Habang nalalapit ang araw ng eleksyon, mas lalong naghahapit ang kampo ni Marcos upang makakuha pa ng maraming endorsements.Ito ay ayon sa pahayag ng kapatid ni Bongbong na si Imee.
Sa isang panayam sa DWIZ radio kinumpirma ni Imee na lumapit na sila kay pangulong Duterte upang makakuha ng suporta. Ipinagdarasal daw niya umano na tulungan sila ng pangulo lalo’t mas lumalakas na sa madla ang partido ni Robredo.
Bago pa man nagsimula ang opisyal na kampanya, nagkaroon na ng hindi pagkakaunawaan sina Bongbong Marcos at pangulong Duterte ukol sa pagtakbo nino bilang presidente.
Tinawag ni Duterte si Marcos bilang “mahina” at walang kakayahang mamuno,
“Hindi ako bilib. He is a weak leader. Totoo yan, di ako naninira ng tao. Talagang weak kasi spoiled child, only son.”
Matatandaan ring inendorso nito si senator Christian “Bong” Go bago ito biglaang nag-withdraw sa pagiging kandidato.
Sa ngayon patuloy na sinusuyo ng kampo ni Marcos ang pangulo sapagkat naniniwala silang malaking impluwensya ang maitutulong nito upang sila’y manalo.