Tulad ng inaasahan, hindi dadalo si presidential candidate Bongbong Marcos sa huling debate na gaganapin isang linggo bago ang eleksyon.
Ayon sa spokesperson ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez itutuon na lamang ni Marcos ang nalalabing araw ng pangangampanya sa pagbisita nang personal sa mga bayan at lungsod sa halip na dumalo sa panel interview .
Ang panel interview na gaganapin ay kapalit ng dapat sanang town hall debate sa Sofitel Manila na hindi natuloy dahil sa mga hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Comelec at ng pamunuan ng nasabing hotel.
“With less than two weeks before the May 9 elections, frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. has decided to forego his participation in the Comelec’s presidential panel interview which was scheduled on May 1, 2022,” pahayag ni Rodriguez.
“Marcos Jr. extends his appreciation to the poll body for its gracious invitation, as he acknowledges the importance of joining in such an important event. He opted, however, to conclude the entire 90-day campaign period with visits to his supporters and compliances with previous commitments for political events, like town hall meetings and political rallies,” dagdag pa nito.
Ang panel interview ay naka-rekord at ipalalabas sa national tv simula May 2 hanggang May 6.