Mapapanood na nang libre sa ilang online platforms ang “The Kingmaker” ni Lauren Greenfield kung saan tampok si dating first lady Imelda Marcos at ang kanyang naging parte sa panahon ng pamumuno ng kanyang asawa , Ferdinand Marcos.
Makikita sa dokumentaryong ito ang talambuhay ng mag-asawa , kaganapan noong batas militar, Edsa Revolution, pagtakas papuntang hawaii at muling pagbalik sa Pilipinas. Kasama dito ang isang panayam kay Imelda,Bongbong at Sandro Marcos.
Ipinakita ni Greenfield dito ang masalimuot na paglabag sa mga karapatang pantao noong panahon ni Marcos hanggang sa panunungkulan ni Duterte sa kasalukuyan.
Sa isang panayam sa direktor taong 2019, sinabi niya ang nais niyang mapulot ng mga manonood sa pelikula,
“We need to remember the past, we need to understand history. We need to be informed, because as we talked about before, these things happen little by little, and you don’t always see the big picture. I would like people to also take into account the manipulation of information and the way it can impact elections. I hope it has resonance in the Philippines, but also, outside the Philippines.”
Sa tulong ng ABS-CBN at iWantTfc maaari nang mapanood sa Vimeo account ang
“The Kingmaker” nang walang bayad.