fbpx

Marcos ayaw magbayad ng buwis kahit may demand letter mula sa BIR

Matapos ang ilang taong paninigil sa estate taxes ng pamilyang Marcos, hindi pa rin nakakapagbayad ang mga ito hanggang sa kasalukuyan.Ito ay ayon sa kalihim na si  Carlos Dominguez.

“BIR is collecting and demanded payment from the Marcos Estate Administrators. They have not paid. BIR will continue to consolidate the titles in favor of the government on those properties which have been levied upon,” sabi ni Dominguez.

“The procedure may take time as it involves selling at public auction

to convert to cash. Bottomline Marcos does not take any steps to settle and pay because of pending litigation,” dagda pa niya.

Ayon naman sa tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez, ang kaso ay naka-pending pa rin sa korte at kailangan pang busisihin ang tunay na kalagayan.

Noong Marso nagpadala ng demand letter ang opisina ng Bureau of Internal Revenue tungkol sa estate taxes ng mga Marcos na may halagang 203 bilyong piso.

Pinaalalahanan naman ni Pangulong Duterte ang ahensya na singilin ang dapat singilin at isa na nga roon ang estate taxes ng pamilyang Marcos.