fbpx

Maling Impormasyon: NAIA, Orihinal na Proyekto ni Marcos 

Base sa ilang fact-checking organizations, napag-alamang ang Manila International Airport Authority o NAIA ngayon ay hindi proyekto ni dating diktador Ferdinand E. Marcos.

Ito ay ayon sa pagsusuring ginawa ng ABKD Network, isang tagapagsuri ng tamang impormasyon na nakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor tulad ng Tsek.ph. Ang batis na ginamit ay mababasa mismo sa website ng MIAA.

Ayon sa artikulo, ang MIAA ay orihinal na base ng US Air Force at ipinasa ang pamamahala sa Philippine government’s National Airport Corporation taong 1948.

Tatlong taon pagkatapos ay ipinasa naman ito sa Civil Aeronautics Administration (CAA) sa ilalim ng Department of Commerce & Industry at inilipat naman sa Department of Public Works, Transport and Communications noong 1956.

Noong 1972, nagpalabas ng Executive Order si Ferdinand Marcos upang mapaunlad pa ang airport at sistema nito bilang pagtugon sa international standards.

Noong 1982, pinalitan ang pangalan ng MIA at ginawang MIAA.

Ilang taon matapos ang pagpapatalsik sa mga Marcos, pinalitan ang pangalan ng MIA bilang Ninoy Aquino International Airport bilang pag-alala sa namayapang asawa ni dating pangulong Corazon Aquino.

Ang pagsusuring ito ay nagpapatunay na ang NAIA ay hindi proyekto o programa ni Ferdinand Marcos.