MANILA, Philippines – Sa ika-159th birth anniversary ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, “binigyan pugay” ng Duterte Administration ang mga frontliners.
Inihambing nila ang mga frontliners sa pambansang bayani.
“This occasion reminds us of Dr. Rizal’s life dedicated to service, which rings a bell in these challenging times. We are proud to see today modern-day heroes – our courageous frontliners – who rise up to the challenge and serve as beacons of hope to a people weary and fearful of the present global scare,” statement ng Presidential Spokesperson na si Harry Roque.
READ MORE: Cebu Gov: Testing the Dead Creates ‘Unnecessary Fear’. Hindi Daw Dapat Katakutan ang COVID-19
Pinatay ng isang palpak at corrupt na gobyerno
Matatandaan na si Rizal ay pinapatay ng Gobyerno dahil sa pagsisiwalat nya ng mga kapalpakan at kurapsyon na ginagawa ng mga opisyales, partikular ng mga prayle.
Dahil sa mga kasulatan niyang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nagsiwalat sa mga kabulastugan ng bulok na sistema ng pamahalaan, siya ay tinawag na subersibo (a.k.a. terorista kung gagamitin ang depinisyon ng Terror Bill ni Duterte).
Hinuli si Rizal at pinaharap sa bully na korte na kontrolado ng mga prayle. Moro-moro ang nangyari.
READ MORE: IISANG DAGAT? China, Aarestuhin ang mga Pilipinong Mangingisda sa WPS
Maraming Health Workers ang namatay dahil sa kapalpakan ng Gobyerno
Sa kabila ng “pagbibigay pugay” nila Duterte, matatandaan na napakaraming health workers ang nahawa ng COVID-19 at namatay dahil sa kakulangan ng tamang medical supplies tulad ng PPE na inabot ng buwan bago napunan ng gobyerno sa kabila ng emergency powers ay napakalaking budget.
Higit dalawang buwan din ang inabot bago maibigay ang pangakong compensation para sa mga health workers.
READ MORE: World’s Longest Lockdown, Naitala ng Pilipinas. Kulang Pa Din ng #MassTesting
Malacanang sa Kabataan: Tularan si Jose Rizal. (Pero Yes to Terror Bill!)
Nanawagan ang Malacanang sa mga kabataan na tularan si Dr. Jose Rizal. Matatandaan na noong panahon ni Dr. Jose Rizal, nagalit sa kanya ang gobyerno dahil sa pagiging woke nya. Isiniwalat nya ang mga nakikitang nyang mali sa pamamalakad ng gobyerno.
Tingin sa kanya noon ng gobyerno ay reklamador.
Kalaunan, pinatay si Jose Rizal ng isang gobyernong palpak at kurap.
“Those who forget history are condemned to repeat it”
– George Santayana
READ MORE: Pagbili ng China sa National Grid Corp. ng Pinas, Ayos Lang Kay Duterte