fbpx

MADUGAS? Kickback ng Matugas Dynasty sa Gas sa Siargao, Iimbestigahan. Siargao Nagtala ng Pinakamahal na Gas sa Pilipinas.

SIARGAO, Philippines – Kahit hindi pa nakakarecover ang Siargao sa delubyong dala ng bagyong Odette. tila wala pa ring patawad ang mga pulitiko na puro pamemera at pansariling interest lamang ang habol.

Nagtala kamakailan ng pinakamataas na presyo ng gasolina at diesel ang Siargao. Naglalaro na sa Php 80 kada litro ang gasolina at umaabot pa ito ng halos Php 100 kada litro sa ibang island communities.

Pinapaimbestigahan ngayon ng iba’t-ibang grupo ang sinasabing monopolyo ng pamilya Matugas sa halos lahat ng negosyo sa isla ng Siargao. Ani nila, kontrolado ng pamilya Matugas ang lahat ng pumapasok sa isla kabilang na ang gasolina.

Ang pamilya Matugas ay ang kilalang dynasty na ilang dekada nang nakaupo sa Siargao at Surigao Del Norte.

Panggigipit sa mga Negosyo

“Hindi ka basta-basta makakapagpasok ng gasolina sa Siargao hangga’t hindi ka nagbibigay ng toll fee sa pamilya Matugas. Umaabot sa Php 15 kada litro ang regular na patong nila. Kung hindi ka magbibigay, hindi ka makakapag-angkat ng gasolina saka pag-iinitan yung negosyo mo” ani ng isang may-ari ng maliit na gasolinahan sa Siargao. Itatago natin ang kanyang pangalan upang protektahan sya sa posibleng panggigipit.

Patuloy na umaaray ang mga taga Siargao dahil sa napakataas na presyo ng gas na naging dahilan ng pagtaas din ng mga bilihin. Ang mga mangingisda naman, wala na halos kinikita dahil halos napupunta na lahat bilang pambayad sa gas.

May be an image of 7 people and people standing

Ang pamilya Matugas ang nakaupo sa halos lahat ng matataas na posisyon sa Siargao at probinsya ng Surigao Del Norte. Ang kasalukuyang Governor ay si Lalo Matugas, ang Congressman ng Distrito ng Siargao ay ang anak nito na si Bingo Matugas at tumatakbo ngayon bilang Mayor ng General Luna Tourist Spot ang asawa ng Governor na si Sol Matugas. Kasunod nito, maraming mayor at opisyales ng iba’t-ibang bayan ng Siargao ang kamag-anak ng mga Matugas.

Wala pang pahayag ang pamilya Matugas hinggil sa isyu na ito.