MANILA, Philippines – Marami ang kinilig sa ginawang live convo ng box office love team na sina Bea Alonzo at John Lloyd sa popular na picture sharing platform na Instagram.
Ngunit maliban sa mga kilig moments, napag-usapan din ng dalawa ang mga isyu tulad ng COVID-19, ECQ at iba pa.
Ngunit tila uminit nang dumating ang usapan ukol sa kung paano ginagampanan ng gobyerno ang trabaho nito.
“Paano kapag hindi nyo na kaya?”
Nagsimula maging politikal ang usapan nila JL at Bea nang kamustahin ni JL ang ginagawang relief operations nila Bea Alonzo.
Masayang ibinahagi ni Bea ang mga “feel good” moments nila habang nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Dito na mas nagusisa si John Lloyd.
JL: Paano kapag wala na sila sa schedule nyo? Paano kapag wala nang ibang nakaschedule sa kanila?
Bea: May magpoprovide. I mean kami. Tutulong kami hangga’t kaya namin tumulong. Syempre.
JL: Paano kapag hindi nyo na kaya?
Bea: May magpoprovide nga. Hindi man kami. May magpoprovide.
JL: Sino?
Bea: Are you questioning my optimism?
JL: Tinatanong ko lang sino ang magpoprovide…
Bea: Hindi ko alam. Hindi ko alam.
JL: Ah okay.
Dito na nakita ang pagkairita si Bea. Tinanong nya si JL kung bakit sya pa ang parang masama eh sya na nga ang tumutulong.
Depensa naman ni JL na naappreciate nya ang ginagawa nila Bea at hindi masama ang tumulong ngunit paano na pagkatapos? Paano na ang sustainability?
Hindi malayo na mairita si Bea sapagkat isa syang kilalang supporter ng Pangulong Duterte. Matatandaan na naissue si Bea dati nang batikusin nya ang pagbatikos ni Former Senator Trillanes sa Presidente.
Asan ang Gobyerno?
Patuloy ni JL, hindi naman daw pwede na lagi nalang aasa sa kabutihan ng kapwa.
JL: Dapat meron nang nanggagaling sa taas. Sa kinauukulan.
Bea: Yun nga ang sinasabi ko. Habang naghihintay, tumulong na ang mga dapat tumulong.
JL: Ilang linggo na kasi eh. Parang sobrang tagal na nila naghihintay.
Feel ni JL. Feel ng napakaraming mga Pilipino.
Tila naipunto ni John Lloyd ang napakalaking frustration ng napakaraming mga Pilipino ukol sa kung paano gampanan ng Duterte admin ang kanilang responsibilidad.
Matapos mabigyan ng emergency powers at bilyon-bilyong budget, tila hindi pa ramdam ng karamihan ang epekto nito.
Napakadami pang kapalpakan ang nangyayari lalo na sa kung paano i-implement ng kapulisan ang Enhanced Community Quarantine.
Marami din ang nagagalit kung paano sisihin ng gobyerno ang mga ordinaryong Pilipinong pilit na lumalabas sapagkat wala nang makain sa kanilang mga bahay.
Tanong ni Bea. Ang lagi ding tanong ng mga DDS.
Siguro, maaaring ma-summarize ang mga frustrations na ito sa sagot ni Lloydie sa tanong ni Bea na maaaring katanungan din ng maraming patuloy na sumusuporta sa Duterte Admin.
Bea: Ganyan ka na ka pessimistic? Totoo? Ganyan ka na?
JL: I’m just trying to manage my optimism.
JL: Yung gutom kasi kayang mapunan. Pag gutom, pagkain nakakaalis nyan. Pag uhaw, tubig.
Paano pag hindi nalang gutom?
Pano pag takot na?
Pano pag malungkot na?
Pano pag galit na?
Yang mga yan hindi kaya tanggalin ng pagkain. Hindi kaya tanggalin ng tubig. Hindi kayang tanggalin ng relief ops. Lagpas na yan sa pisikal eh.
Paano kapag yung loob na ang nagugutom? Paano kapag yung kaluluwa yung walang-wala na?
Yun ang nakakatakot…gutom na ang tiyan pati ang kaluluwa.
Bea: Kaya nga. Wag na paabutin dun. Diba?
JL: Eh pano nga? Madaling sabihin yan eh. Tayo okay tayo. Eh yung iba? Paano sila?
Bea: Sana may taong kayang sumagot ng tanong mo.
JL: Okay lang. Hindi naman tayo ang sumasagot nyan eh.
Panoorin ang diskusyon nila Bea at John Lloyd.