fbpx

Liquidation ni Obiena, Pinag-Aaralan na ng COA. Boy Kaldero Tolentino, Sumabit?

Tila hahaba pa ang tila mala-teleseryeng hidwaan nila EJ Obiena at Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ngayong biglang sumali na ang Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino.

Matatandaan na nagsimula ang lahat nang magreklamo si Obiena ng harrassment dahil ipinapabalik sa kanya ng PATAFA ang halos limang milyong pisong coaching fees na ibinigay sa kanya.

Ayon naman sa PATAFA, sinusunod lang nila ang proseso ng Commission On Audit (COA) dahil ayon sa imbestigasyon, naging kwestiyonable ang pag gasta ni Obiena ng pera ng taumbayan.

Reklamo ng Coach

Ayon sa dokumento na inilabas ng PATAFA, nagsimula ang imbestigasyon matapos magtanong ang Coach ni Obiena na si Vitaly Petrov bakit laging huli ang pagpapasahod sa kanya. Kada tinatanong daw nya si Obiena, ang sinasagot lang daw nito ay late din daw magpadala ng pera ang PATAFA.

Ngunit lumalabas sa mga deposit at transfer documents na agad naipadala ang coaching fees kay EJ Obiena at sa nanay nitong si Jeannette Obiena. Ngunit ang naging kwestyunable ay bakit inabot ng higit 26 na buwan bago nila naibigay ang pera kay Vitaly Petrov.

Higit Dalawang Taong Hindi Naibigay sa Coach ang Pera

Lumalabas din sa dokumento na nakatanggap ng halos 11 million pesos si EJ Obiena at ang kanyang ina simula 2018 hanggang 2019. Ngunit binayaran lang nila ang coach na si Petrov noong November 2020. Lumalabas na simula 2018 hanggang 2019 ay walang natanggap kahit isang kusing si Petrov mula sa mga Obiena. Binuo lang nila ang bayad kay Petrov noong November 2021 matapos magsimula ng formal investigation ang PATAFA.

Tolentino, Biglang Sumali Nang Magsimula ng COA Investigation

Ikinagulat naman ng mga sports observers ang biglang pag-papel ni Philippine Olympic Committee (POC) Bambol Tolentino nang magsimula ang pormal na imbestigasyon. Ayon sa ilang mga sources, tila gusto harangin ni Tolentino ang COA investigation sa liquidations ni Obiena at gawing political ang issue.

Matatandaan na si Tolentino din ang isa sa mga naging sangkot sa sinasabing maanomalyang kaldero ng SEA Games kasama sila Allan Peter Cayetano at Vince Dizon.

Hiling ni Bong Go: Magkaisa para sa SEAG - REMATE ONLINE

Nagulat din pati ang mga legal experts na biglang idineklarang persona-non-grata ni Tolentino si PATAFA President Ella Juico na siyang nagpasimula ng imbestigasyon kahit na walang jursidiction ang Philippine Olympic Committee (POC) sa PATAFA.

Sana man lang daw ay hinintay ng POC ang official report ng COA kung totoong may anomalyang nangyari sa paggastos ni EJ Obiena ng pera ng gobyerno.

Maaaring makaapekto sa ongoing investigation ang premature na pagdeklara na persona non grata ni Tolentino kay Juico dahil sa pagbabawal sa kanyang umattend ng kahit anong assembly at pagdinig na gagawin ng POC.

Si Ella Juico ang naging kalaban ni Tolentino nang tumakbo itong presidente ng POC.

Ayon din sa mga sources, ang Obiena issue ay isang sanga lang ng mas malaking problema ng sports handling ng gobyerno lalo na pakikipagsabwatan ng mga opisyales sa mga atleta para sa pondo.

Abangan…