fbpx

Leni Robredo, inaatake ni Calida gamit ang COA

Ilang linggo matapos maupo ni Jose Calida, dating Solicitor General ni Duterte, bilang chair ng Commission on Audit, biglang pinuna ng ahensya ang paggamit ng OVP ni Leni Robredo ng budget para sa COVID-19 pandemic. Ayon sa ahensya, ₱25 million daw ng budget ng OVP ay nagamit sa maling paraan. Ito ay matapos gamitin ng OVP ang kanilang Survey, Research, Exploration and Development (SRED) fund para sa pagtugon sa pandemya noong nakaraang taon. Ayon sa kanila, dapat daw ay hindi na sa COVID-19 nilaan ang budget kundi sa iba pang mga proyekto ng gobyerno. Kinwestiyon din nila ang biglaang pagbili ng OVP ng 22,000 na antigen kits na nagkakahalaga ng ₱9.9 million. Wala raw umano itong “urgent reason” para bumili ng ganito karaming supply ng antigen kits.

Maaalalang nakakuha ang OVP ng “unqualified opinion” mula sa COA kamakailan lamang. Ito ang pinakamataas na rating na ibinibigay ng COA para sa mga tapat ang pag-aaudit ng isang ahensya.

Nakakapagtaka na biglang liko ang COA matapos maupo ni Calida, na isang loyalist ng dati at kasalukuyang administrasyon, sa ahensya. Bigla atang nagbago ang ihip ng hangin. Isa nanaman itong paraan ng gobyerno upang supilin ang mga nais tumulong sa mga mamamayang Pilipino. Paanong magiging kwestiyonable ang budget na ginastos para sa COVID-19 pandemic? Dahil ba hindi ito ginastos para sa imprastraktura? Mas gusto pa yata ng gobyerno ang magtayo ng building kesa magligtas ng buhay! At paanong walang “urgent reason” ang pagbili ng mga antigen kits ng OVP? Hindi pa ba urgent reason ang pandemya? O baka kaya biglang hinahabol ng COA ang OVP ni Leni Robredo ay dahil natatakot parin sila sa kabutihang ginagawa ni Leni Robredo para sa mamamayang Pilipino?

Huwag na nating hayaan ang mga nakaupo sa gobyerno na bastusin at abusuhin ang kanilang kapangyarihan! Habulin ang mga tunay na korap, huwag ang mga maayos magtrabaho! Calida, mamaya na ang pulitika! Trabaho muna!