MANILA, Philippines – Matapos irekomenda ng Fact Finding Committee na tanggalin at kasuhan ang Pole Vaulter na si EJ Obiena, nagdesisyon ang Philippine Athletics and Field Association (PATAFA) na huwag muna ito i-implement. Kaugnay nito, binigyan ng board ng dalawang linggo si Obiena para kumpletuhin ang liquidation ng Php 13,320,504.02 budget na tinanggap nito mula sa gobyerno.
Matatandaan na nagkaroon ng imbestigasyon matapos mapagalaman na higit dalawang taong hindi binayaran ni Obiena ang kanyang Coach na si Vitaly Petrov kahit nasa kanya na ang pera.
Kaugnay nito, higit 6 milyon pa ang hindi naliliquidate umano ni EJ Obiena.
Last Chance for Obiena
Ayon sa sulat ni PATAFA Chairman Rufus Rodriguez sa Philippine Sports Commission (PSC), nagdesisyon ang board ng PATAFA na i-defer muna ang implementation ng recommendations ng Fact-Finding Committee Report. Ibig sabihin, hindi muna tatanggalin si EJ Obiena sa listahan ng National Athletes ng bansa at bibigyan sya ng karagdagang dalawang linggo para tapusin ang matagal nang dapat naipasa na liquidation ng higit 13 milyong pisong budget.
Kaugnay nito, pinagpapaliwanag din si EJ Obiena bakit nito pineke ang mga Acknowledgement Receipts na pirmado ng kanyang coach.