MANILA, Philippines – Habang ilang araw nang nanghihingi ng tulong ang mga frontliners dahil kinukulang na sila ng mga medical supplies kagaya ng Personnel Protective Equipment (PPEs), tambak naman ang donasyon ngayon na hindi maipamigay dahil sa kabagalan ni Duque.
READ MORE: Duque, Pinagtanggol ang China. Test Kits ng China, ‘Very Good’ Daw.
Ayon sa report ng Tribune, to ang reklamo ng mga medical stakeholders.
Ayon sa mga nakalap na memorandum ng Department of Health (DOH), dadaan pa sa napakaraming red tape ang mga gusto magdonate na foreign entities.
READ MORE: VP Leni, Nakabigay na ng Higit 25,000 na PPEs sa mga Ospital
Maliban sa mga nasabing requirements, maaari pa umano magdagdag ng requirements ang DOH “if necessary”.
Kailangan Aprubado Muna ni Duque ang Donations
Ang masaklap pa, kailangan muna magpaalam at iapprove ni Duque ang mga magdodonate bago sila makapag donate.
Ayon sa report ng Pulitiko, walang sense of emergency ang mga nasa itaas ng DOH.
The DOH insider said that with this lack of emergency at the top of the DOH, no wonder doctors and nurses are falling like flies because the PPEs they need were being caught in Duque’s checkpoints.
Kung isa ka namang ospital na nangangailangan ng supplies, kailangan ka muna sumulat kay Duque mismo bago makahingi.
Pagbulgar ni Locsin
Ibinulgar ni Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na nirerequire ngayon na lahat ng shipments ng dinonate na medical supplies ay kailangan dumaan sa gobyerno “for disposition”. Kung hindi daw ay ihohold ito ng Bureau of Customs.
ALL DONATIONS FOR MED SUPPLIES MUST GO TO GOVERNMENT FOR DISPOSITION. Private hospitals cannot receive them. They can buy from abroad but their shipments will be detained by CUSTOMS. THE doctors and HCWs are too busy getting exposed to do the paperwork. FIX THIS, PUTANGINA.
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) March 22, 2020
Binulgar din ni Locsin na ilang toneladang Personnel Protective Equipment (PPE’s) ang kasalukuyang naka-hold sa Bureau of Customs ngayon na hindi inilalabas sa kabila ng malaking kakulangan sa PPEs ng mga ospital.
If PGH and other frontline medical personnel are looking for PPEs, they are in Customs warehouse, tons of them. Go get them there. PGH is an arm of government and entitled to take them.
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) March 15, 2020
READ MORE: Pamilya at Staff ni Bongbong Marcos, Nagpa-COVID Test sa Kabila ng Test Kits Shortage