MANILA, Philippines – Ayon sa isang anonymous LTFRB source na lumapit sa BNC, matagal nang mainit sa mata ng LTFRB ang mga TNVS o yung mga katulad ng Angkas at Grab sa kadahilanang bumagsak ang kita ng mga taxi dahil sa mga ito.
Dagdag pa ng source, matagal nang “open secret” na ang karamihan ng may hawak ng mga inilabas na taxi franchise for the last 15 years ay pagmamay-ari o konektado sa mga opisyal at dating opisyal ng LTFRB.
“Hindi ka mabibigyan ng prangkisa kung hindi ka konektado sa opisyal ng LTFRB.”
“Parang naging mafia na ang style ng operation. May monopoly sila kung sino lang ang may prangkisa. Opisyal lang, malakas ang kapit o malaki ang lagay ang mabibigyan” ayon sa source.
Ito daw ang nagiging kalakaran higit sa isang dekada na nagtatrabaho sya sa LTFRB.
“Natatandaan mo yung isyu nun sa Uber saka Grab? Sila din may pakana nun. Galit na galit yung grupo kasi bumagsak yung kita ng mga taxi nila. Under the table yung maneuvering na ginawa nila nun. I-teteknikal dapat. Kaso sumingaw at umingay kaya naunsyami.”
“Pero ngayon naman, balita sa loob na mas malaki yung binagsak ng kita na naman nila noong dumating yung Angkas saka yung ibang motorcycle-for-hire kasi syempre mas gusto yun ng mga tao kasi mas mura at iwas trapik na din.”
“Ilang buwang plinano ito. Natuto na sila sa Grab-Uber issue dati na hindi pwedeng biglaan at patago kasi sisingaw talaga.”
“Kaya ginawa yung TWG (Technical Working Group) para pag-aralan kuno yung motorcycle taxis. Pero para lang talaga ito gumawa ng rekomendasyon na dapat gawing ilegal yung mga motorcycle taxis.”
“Ang siste ay i-agit yung mga representatives ng Angkas. Tapos manghihingi ng kung ano-anong data at iba pa. Tapos may mga hindi maibibigay ang Angkas. Tapos sasabihin nila hindi cooperative ang Angkas. Ito ngayon ang gagawin nilang dahilan upang hindi tapusin yung study at gumawa ng rekomendasyon na hindi na dapat magpatuloy ang mga motorcycle taxis.”
“Medyo mas magulo lang ngayon kasi meron na silang babanggain na mga matataas na opisyales ng gobyerno na may hawak na din ng isang motorcycle taxi app. Syempre hindi ko na papangalan kung ano yun. Halata na naman kung anong app yun.”