Kalat sa social media ngayon ang paggamit umano ng “dirty tricks” ng kampo ni Marcos
Sa napapanahong halalan. Isa nga sa mga biktima nito ay ang independent candidate na si Leodegario de guzman o Kaleody.
Labis ang pagkagalit ni Kaleody sa insidente at sinabing ang aksyon na ito ay nagbibigay ng kalituhan sa publiko.
“Malinaw na ang intensyon ng ganitong ‘dirty tricks’ ay lumikha ng kalituhan sa mga botante at manabotahe ng kampanya ng iba,”
“Inaasahan nating marumi ang eleksyon ng mga elitista’t tradisyunal na partido, ngunit hindi ko inakalang pati pangalan ko pala ay magagawa nilang nakawin. Wala silang patawad, lahat na lang ay kanilang inaangkin,” dagdag pa niya.
Dahil dito balak ng kampo ni Kaleody na sampahan ng kaukulang kaso ang kabilang partido.
“Pinag-aaralan na natin ang paghahain ng kaso laban sa mga may pakana ng domain grabbing. Nanawagan ako sa awtoridad na imbestigahan ang pangyayari. Humanda sila’t hindi natin tatantanan sa ganitong kawalang-hiyaan!” matinding babala ni Kaleody.