fbpx

Kahit Walang Peace Talks, Unliquidated Cash Advances ng OPPA, Umabot sa P53 Milyon!


MANILA, Philippines –Kinukuwestiyon ng Commission of Audit ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) sa pag-release ng humigit kumulang P53.79 Milyong Cash Advances.

Davao City has over 5,000 unused trash bins – COA


Sa datos na inilabas noong 2019 audit, aabot umano sa P44.78 million umano ang hanggang ngayon ay hindi pa naliliquidate ng OPAPP sa loob ng 61 days hanggang isang taon.


Nakasaad sa COA Circular No. 97-002, kapag ang cash advance ay hindi nagamit sa loob ng dalawang buwan, ang officer na may kustodiya sa cash advance ay kailangan ibalik ang nasabing pera sa collecting officer.

Lumabag umano sa patakarang ito ang OPPAP sa hindi pagbalik ng mga unutilized cash advances.

READ MORE: Duterte, May 9.5 Billion Intel Funds Pero Walang Budget Para sa Pabahay


Dagdag pa ng COA, ang full liquidation ng mga cash advances ay dapat matapos ng OPAPP sa loob lamang ng isang taon.

Nakakapagtaka umano na mayroong 123 special cash advances ang inilabas ng OPAPP kahit wala pang liquidation ang mga naunang cash advances ng mga nasabing opisyales.


Hinamon rin ng COA ang validity ng P10 Milyong cash advances na walang timetable o kahit supporting documents na magpapatunay ng pinaggamitan ng nasabing funds.

Pinaalalahan ng COA na kailangan maging accountable ng OPAPP sa mga regulasyon ng cash advances. Kapag hindi parin umano sumunod ang OPAPP sa rules and regulations on cash advances mapipilitan silang kasuhan ng criminal and administrative complaints ang mga opisyales nito.

READ MORE: Pasweldo sa Medical Workers sa Pinas, Pinakamababa sa Southeast Asia