fbpx

Kahit Ayaw ng DOH: Mayor Teodoro, Bubuksan na ang Testing Facility ng Marikina

MARIKINA, Philippines – Marikina City ang naunang LGU na gumawa ng sariling covid-19 testing facility. Ngunit hindi ito inaprubahan ng Department of Health (DOH) dahil sa mga “teknikalidad” tulad na dapat daw ay nakahiwalay daw ang gusali nito.

READ MORE: Mga Bangkay, Nagkalat na sa Hallway ng East Ave Hospital – Spokesperson

Kasalukuyang nasa pang anim na palapag ng City Health Office ng Marikina ang nasabing testing center.

“Hindi tayo inaprubahan, hindi tayo pinayagan ng DOH… dapat daw kung meron kang testing facility ay [nasa] nakahiwalay na gusali,” sabi ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro.

“Tanging ‘yung testing center na lang ang naroon at merong dedicated, exclusive elevator papunta lamang do’n,” he said. “Kung gusto raw po naming magkaroon ng testing center, magpatayo kami ng bagong building na paglalagyan ng testing center.” dagdag pa ni Mayor Teodoro.

Kaya naman, agad nila itong inilipat sa isang building na may dalawang palapag sa Bayan-Bayanan Avenue, Barangay Concepcion Uno upang makapag-comply lamang sa kagustuhan ng DOH.

READ MORE: PAASA LANG? SAP Cash na Ipinangako ni Duterte, Hindi Lahat Mabibigyan Dahil sa “Quota System”. Mga LGUs, Nagreklamo.

Mabagal ang DOH

Ngunit matapos ilipat ang nasabing pasilidad upang pagbigyan ang kagustuhan ng DOH, hindi naman umano pumupunta ang DOH upang magcheck kahit ilang beses na nila ito kinontact ayon kay Mayor Teodoro.

READ MORE: PPEs na Binili ng DOH, Overpriced!

Kasuhan nyo nalang ako.

Sa kabila ng mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa bansa, nagdesisyon na si Mayor Teodoro na buksan na ang nasabing pasilidad kahit walang approval ng DOH.

READ MORE: PPEs na Binili ng DOH, Overpriced!

Ayon kay Mayor Teodoro, may “local autonomy” naman ang mga LGU at hindi na nila hihintayin ang DOH.

Matapos naman nya sabihin ito, nagkumahog pumunta ang mga taga DOH upang mag-inspection.

As of posting time, wala pang detalye kung ano ang findings ng DOH.

Magsisimula nang magtest ng swab samples ang Marikina Testing Center.

READ MORE: VP Leni, Nakabigay na ng Higit 25,000 na PPEs sa mga Ospital