fbpx

Isko-Bong Go Endgame, Isinusulong ni Banayo – Source

MANILA, Philippines – Mukhang hindi talaga magiging oposisyon si Isko Moreno sa bandang huli.

Isang source mula sa kampo ng batikang political operator na si Lito Banayo ang nagsiwalat ng nasabing “endgame” ng kampo ni Isko.

Si Lito Banayo ang kasalukuyang campaign manager ni Isko na tatakbong pangulo sa 2022 elections.

Matatandaan na si Lito Banayo din ang isa sa mga operators na nagpanalo kay Duterte noong 2016. Siya din ay inappoint ni Duterte bilang chairman ng Manila Economic and Cultural Office, ang de facto embassy ng Pilipinas sa Taiwan.

November survey: SWS misses out, Pulse Asia on target on Duterte's  presidential bid – report
Si Lito Banayo ang isa sa mga campaign operators na nagpanalo kay Duterte noong 2016. Sya ngayon ang Campaign Manager ni Isko.

Ayon sa source, simula’t sapul, ito na ang nasabing plano. Kaya naman hindi dapat ikagulat na wala man lang tayong narinig na mura o kahit na anong masamang salita mula sa kampo nila Duterte nang biglang kumabilang bakod si Banayo sa kampo ni isko.

Ang tanong, kabilang bakod nga ba?

The Cesar Chavez Connection

Nagsimula umano ang plano noong umuwi mula Taiwan si Banayo, late 2020, upang makipagkita kay Yorme na inarrange ni Cesar Chavez. Si Cesar Chavez ang kasalukuyang Chief of Staff ni Isko na dating tauhan din ni Duterte bilang Undersecretary ng Department of Transportation.

Sponsor si Banayo ni Chavez sa kasal.

Si Cesar Chavez ang kasalukuyang Chief of Staff ni Isko na dating tauhan din ni Duterte bilang Undersecretary ng Department of Transportation.

Ayon sa source, si Banayo ang naka kumbinsi kay Yorme na tumakbo bilang Pangulo. Ayon din sa source, walang kaalam-alam si Isko na parte sya ng mas malaking plano.

Willie Ong the Pawn

Kahit umano ang pagtakbo ni Willie Ong bilang Bise ni Isko ay parte ng mas malaking plano. Pinili si Willie Ong hindi upang manalo kundi upang maging placeholder.

Sa totoo lang, nagsimula na magparamdam si Willie Ong. Noong Setyembre 30, 2021, binanggit nya na handa sya umatras bilang VP para magbigay daan sa isang mas malakas na kandidato.

“Given na sinabi niya kahapon na hindi na niya ‘ko papalitan, pero just in case magbago isip ni Mayor Isko, I told him yesterday, sabi ko, ‘Yorme, kung mayroon kang mapipiling iba, okay lang sa akin. Lagay mo ko sa Senate, papayag ako,’, ayon kay Ong.

Ang stratehiyang ito ay ginawa ni Banayo noong 2016 nang pagtambalin nya si Duterte at Allan Cayetano upang makuha ang boto ni Cayetano at biglang pinagtambal si Duterte at Bongbong Marcos sa bandang huli upang makuha din ang boto ni Marcos.

Sa huli, #ChangeISKOming nga ba o patuloy ang #ChangeIsScamming?