MINDORO, Philippines – Kasalukuyang nawawala ang 14 na mangingisdang Pinoy na lulan ng Liberty Cinco matapos salpukin ng isang cargo ship ng China.
Nangyari ang insidente sa dagat ng Cape Calavite sa Occidental Mindoro na pag-aari ng Pilipinas.
Ayon kay Fermin Sotto, General Manager ng kumpanyang nagmamay-ari sa Liberty Cinco, binangga ng Chinese Vessel ang nasabing bangka 1am noong Linggo.
READ MORE: IISANG DAGAT? China, Aarestuhin ang mga Pilipinong Mangingisda sa WPS
Matapos salpukin ay hindi man lang tinulungan at iniwan pa ng mga Chinese ang mga Pilipinong mangingisda.
Natagpuan na ang ilang piraso ng nasabing bangka ngunit hindi pa din makita ang mga sakay nitong mangingisda.
Sinungaling na mga Chinese?
Nang mahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasabing Chinese Vessel, tinanggi nila na nakita o nabangga nila ang Liberty Cinco.
Ngunit nakita umano ng PCG na may damage ang unahang bahagi ng Chinese Vessel na sakto sa angle ng pagbangga sa Liberty Cinco.
READ MORE: Pagbili ng China sa National Grid Corp. ng Pinas, Ayos Lang Kay Duterte
Nang tingnan ang wreckage, halos nahati ang Liberty Cinco sa lakas ng pagbangga.
Wala pa ring comment ang Gobyerno ni Duterte sa nangyari.