fbpx

Information Officer ni Sara Duterte, Pinatakas sa Davao Drug Raid

MANILA, Philippines — Labimpito katao na pawang mga propesyonal at negosyante ang naaresto.

Sara Duterte info officer admits he was at beach party later raided for  drugs: Philippines

Umaabot sa P1.5 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng iligal na droga ang nasamsam sa isinagawang raid ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang beach resort sa Mabini, Davao De Oro, Sabado ng gabi.

Ang ni-raid na Sea Eagle Beach Resort ay dinaluhan ni Jefry Tupas, Information Officer ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Kinumpirma naman ito ni Tupas sa isang panayam subalit nauna na umano siyang umalis ng party isang oras bago ang raid ng mga tauhan ng PDEA Region 11, National Bureu of Investigation at ng Mabini Municipal Police Station (MPS).

Ngunit pinabulaanan naman ito ng mga nakasama sa nasabing Party. Sinabi nilang naroon ito sa naganap na raid at isa rin umano ito sa ‘Main Targets’ ngunit hinayaan umano itong makatakas.

Isa rin umano sa mga nakasama nitong mahuli ang nakarinig ng sabihin nitong tauhan umano siya ni Inday Sara.

“Staff ko ni Inday Sara (I’m a staff of [Mayor] Inday Sara [Duterte]). Unsa ni? Unsa ni? (What’s this? What’s this?).”

Marami rin umanong nakakita sa pag aresto kay Tupas. Samantala dinala umano si Tupas kasama ng iba pang mga indibidual sa ibang parte ng nasabing resort at duon ito pinatakas.

Saad ng mga grupong nakadetain ngayon, 50 umano silang lumahok sa nasabing parte ngunit 17 lang umano silang na ditena.

Victim a councilman, drug surrenderer: Official linked to drugs killed |  The Freeman

Ang dili namo madawat ngano kami lang dire nabilin nga daghan man unta mi (What we cannot accept is why there are only a few us here when there were many who attended the party),” Anila

Nakumpiska sa raid ang 722 tableta ng party drugs na nasa P1.227M ang halaga; 10 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may P68K; liquid ecstacy at iba pang klase ng iligal na droga na umaabot sa P1.5M.

Nakakulong ngayon sa PDEA Davao Regional Office ang mga nadakip habang inihahanda ang patong-patong na kaso laban sa mga ito.