fbpx

Information Officer ng DPWH, Nagkalat ng Fake News. Planong Kasuhan.

Sa kanyang Twitter post, ipinost ni Yasser Galvez (handle:@concreteview29) na sa pagbisita ni VP Leni Robredo sa Dipolog ay mamimigay ito ng 1,500.

Agad itong pinabulaanan ng libo-libong volunteers ni VP Leni sa Zamboanga Del Norte. Ayon sa kanila, mismong mga volunteers pa ang gumagastos para kay VP Leni.

Sa isang post, sinabi ni Mario Dandi Romano na taga Dipolog City na volunteers pa mismo ang naglalabas ng salapi para tulungan si VP Leni. Nag chip in pa umano ang mga volunteers para maka hire ng banda at makabili ng ribbons at tarpaulins.

Sa isa pang Facebook Post, ipinakita ni Mario ang mga larawan ng mga volunteers ni VP Leni at tinanong, “Why don’t we ask these volunteers how much they are being paid?”

Ayon sa profile ng fake news spreader, District Information Officer umano sya ng DPWH sa Zamboanga Del Norte.

Ayon sa mga volunteer lawyers, pinagaaralan na ang cyber libel case na ikakaso kay Yasser. Kinukumpirma na din umano sa DPWH Zamboanga Del Norte kung totoong empleyado nila si Yasser. Kung mapatunayan na sya ay kasalukuyang government employee, sasampahan din ng kaso si Yasser sa Civil Service Commission at Ombudsman.