fbpx

ICC Prosecutor, Iimbestigahan ang War On Drugs ni Duterte

ICC prosecutor presses full probe into Duterte's 'crimes against humanity',  SE Asia News & Top Stories - The Straits Times

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Fatou Bensouda na humihingi siya ng Judicial Authorization para ipagpatuloy ang imbestigasyon ng war on drugs sa Pilipinas.


“Today, I announce that the preliminary examination into the situation in the Republic of the Philippines has concluded and that I have requested judicial authorization to proceed with an investigation,” ani Bensouda

Aniya, mayroon siyang sapat na batayan na mayroong crime against humanity of murder na nangyari at nangyayari sa PIlipinas. Hiling niya na mabigyan ang kaniyang opisina ng authoridad ng Pre-Trial Chamber ng ICC upang makapagsagawa ng mas masusing imbestigasyon.

Philippines faces call for UN investigation into war on drugs killings |  ABS-CBN News

Ayon umano sa kaniyang mga nakalap na ebidensiya, may tiyansang mga galamay ng pamahalaan, partikular ng mga pulis at militar, ang pumatay sa libo-libong drug suspects at iba pang sibilyan. Tila ginawa umano ang mga pagpatay alinsunod sa utos ng mga nakatataas sa gobyerno – dagdag pa niya.

Ang ICC probe ay hakbang sa pagkamit ng hustisya sa mga walang habas na pinaslang sa giyera kontra droga ng pamahalaan.

READ MORE: Drug Users, Mas Marami Pa Kesa mga Pinoy – Duterte