fbpx

Iba’t ibang Grupo Nanawagan sa BIR: Collect Tax Now!

Sa isang liham na isinumite sa opisina ng Bureau of Income Tax Return o  BIR ipinahayag ng mga Martial law survivors ang kanilang saloobin tungkol sa 203 B estate tax na pamilyang Marcos.

Ang liham ay ipinadala ng grupong Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (Carmma) na may layuning obligahin ang BIR na kolektahin ang mga unpaid taxes na ito.

Ayon sa Carmma wala na umanong dahilan upang hindi bayaran ng  pamilyang Maros ang nasabing buwis dahil nagbigay na ng pinal na desisyon ang Korte Suprema noong 1997.

Wala namang balak si Bongbong Marcos na bayaran ang buwis o hindi kaya’y aminin ang akusasyon sa kadahilanang fake news lamang daw ang mga iyon.

Labis na ikinababahala ng Carmma at iba pang mga grupo ang darating na eleksyon kung magwawagi ang anak ng dating diktador na si Marcos. Mababaon lamang sa limot ang bilyong estate taxes , ill-gottten wealth at mawawalan ng halaga ang lahat ng hakbang upang maipakulong ang mga Marcos.

Nagpahayag naman ang mahigit 20,000 taxpayers ng suporta laban sa mga Marcos sa isang online petition.Dito hinamon nila ang BIR na gawin ang nararapat bago pa mahuli ang lahat.

“This is not the time to just send demand letters to a family that has flouted the law for 25 years,” sabi sa petisyon.

 “Now is the time for the BIR to act decisively and file a criminal case and prosecute Bongbong Marcos, as co administrator of the Marcos estate, for failure to settle the family’s tax liability.”