fbpx

Hindi totoo:Marcos nagtamo ng million votes sa Saudi Arabia

Isang indibidwal at youtube channel ang nagsasabing milyong boto ang nakuha ni presidential aspirant senator Bongbong Marcos sa bansang Saudi Arabia.

Ayon sa  video na in-upload ng  Showbiz Chika-doro noong Abril 14,sinasabing nangulelat si Vice President Leni Robredo sa ginawang advanced voting para sa mga OFW sa bansang Saudi.Ito ay mula sa misang Madam Yumi at may caption na,  “BBM MILLION na ang NAKUHANG BOTO sa KINGDOM of SAUDI ARABIA AYON kay MADAM YUMI/VP LENI KULELAT?”.

“Ang boto ni Marcos, milyon. Pero kay Leni Robredo, wala pang 100,000. Okay? Kaya maling mali ang impormasyon (ng iba) dahil ang namamayagpag bilang isang presidente sa Kingdom of Saudi Arabia is Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos. ‘Yun lang talaga ang ahead sa lahat,” pahayag ni Madam Yumi.

Ang impormasyon na ito ay MALI at walang bahid ng katotohanan.

Ayon sa Commission on Election(Comelec),imposible ang sinuman na makakuha ng milyong boto gaano man ito katanyag sa kadahilanang 282,605 lamang ang bilang ng registered voters sa bansang Saudi.

Bukod pa dito,hindi maaaring malaman ang resulta ng boto hangga’t hindi opisyal na nag-aanunsiyo ang Comelec.

Ang Saudi Arabia ang ikalawa sa may pinakamaraming absentee voter kasunod ng United Arab Emirates na may 290,182 botante.Mahigit kumulang 17 million naman ang inaasahang bilang ng mga boboto sa labas ng Pilipinas.

Ang impormasyong ito ay sinuri ng News 5 at ng Rappler Ph upang hindi magbigay kalituhan sa mga boboto ngayong eleksyon.