fbpx

Health Workers, Hindi Bibigyan ng Pondo Nila Duterte Para sa 2022

Philippines health workers protest neglect as COVID-19 strains hospitals |  Reuters

MANILA, Philippines – Sa isinumiteng panukalang budget para sa 2022 ng administrasyong Duterte, wala nanaman umanong nakalaang budget para sa ayuda, contract tracing at para sa ating mga health workers.

Nakasaad dito na bagamat tumaas nang 22.6 Bilyon ang budget para sa DOH, at higit sa double and inilaki ng budget para sa pagpapatayo ng mas marami pang ospital dulot ng pandemya. Wala naman umanong nakalaan pondo para sa mga benipisyo ng health workers.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang protesta ng health workers para sa special risk allowance (SRA), hazard pay, at allowances para sa meals, accommodations, and transportation (MAT). Hindi pa rin umano ito dininig ng Gobyerno.

Philippine diocese's 40-day fasting, penance amid Covid-19 - Vatican News

Ayon sa economic managers ng gobyerno, ang tema ng huling budget ni Duterte ay “Sustaining the legacy of real change for the future generations.” Ngunit bakit umano tila walang real change rito.

Hindi na naman umano ito lapat sa mga pangangailangan ng taumbayan sa gitna ng mga krisis. At sumasalamin ang nasabing budget sa mali-mali at buktot pa ring prayoridad ng administrasyong Duterte.