fbpx

GUSTO NG HIMALA? BBM, Pilit na Binubuhay ang Patay na Electoral Protest

MANILA, Philippines – Napagalaman ng Bantay Nakaw Coalition na tahimik na nagfile ng panibagong motion ang natalong Vice Presidential Candidate na si Bongbong Marcos noong February 4, 2020. Gusto nyang bilisan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang desisyon sa kagustuhan nyang ibasura ang lahat ng boto mula sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

Matatandaan na sa umpisa ng kanyang protesta, pinapili ng PET si Marcos ng tatlong probinsya kung saan kailangan mapatunayan na may nangyaring dayaan. Pinili ni Marcos ang Negros Occidental, Iloilo at Camarines Sur.

Nagkaroon ng recount kung saan bawat isang balota ay binuksan at siniyasat ng iba’t-ibang representante kasama ang mga abugado ni Marcos.

OLATS SA RECOUNT SA PILOT PROVINCES NA SYA MISMO ANG PUMILI

Kaso imbis na mapatunayan na nagkaroon ng dayaan, parang sinakluban ng langit at lupa si Bongbong Marcos nang mga abugado nya mismo ang kumumpirma na mas lumaki pa ang lamang sa boto ni Vice President Leni Robredo.

Mula sa 1,493,517 votes, tumaas sa 1,510,178 votes ang nakuha ni Robredo kumpara sa kakarampot na 204,512 votes na nakuha ni Marcos.

At dahil hindi napatunayan na nagkaroon ng dayaan sa tatlong pilot provinces na si Bongbong Marcos mismo ang pumili, ayon sa rules ng PET.

Ito ang nakasulat sa Rule 65 ng 2010 PET Rules: “if there is no substantial recovery in the pilot provinces, “the protest may forthwith be dismissed, without further consideration of the other provinces mentioned in the protest.”

MANIFESTATION. The legal team of Vice President Leni Robredo held a press conference in Malate, Manila, on Monday, October 14, 2019, after filing a manifestation before the Presidential Electoral Tribunal calling on the PET to uphold its rules in resolving the election protest filed by losing candidate Bongbong Marcos. Photo by Jay Ganzon/OVP
Nagfile ang Legal Team ni VP Leni Robredo ng Manifestation na pinipilit ang PET na sumunod sa rules na sila mismo ang gumawa.

Sa madaling salita, PATAY na ang electoral protest ni Bongbong Marcos.

BBM: Asal Spoiled Brat na Hindi Nabili ng Laruan

Ngunit syempre, sa dami ng bilyones ng mga Marcoses (salamat sa taxes taumbayan), hindi kayang tanggapin ito ni Bongbong Marcos.

Image result for crying bongbong marcos

Kahit na mga abugado mismo nya ang nakapag patunay na panalo si VP Leni Robredo, biglang iba na gusto gawin ni Bongbong Marcos.

BBM, Pinapabasura LAHAT ng Boto ng Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao

Gusto na nya ngayon na ibasura ng PET ang lahat ng nakuhang boto mula sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao kung saan kakarampot lang ang nakuha nyang boto.

VP POLL PROTEST. George Garcia, lawyer of former senator Bongbong Marcos, files a petition before Supreme Court sitting as the Presidential Electoral Tribunal on March 26, 2019. Photo by Lito Borras/Rappler
Naghain ang abugado ni Bongbong Marcos na si George Garcia ng bagong petisyon matapos harap-harapang mapatunayan na panalo si VP Leni Robredo sa 3 pilot provinces na pinili ng Marcos camp.

Epekto ng Memorya ng Jabidah Massacre?

Bakit nga ba kakarampot ang boto na nakuha ni Marcos mula sa mga probinsya na madaming Muslim? Ilang Muslim netizens ang nagsabi na hanggang ngayon, hindi makalimutan ng mga kapatid nating Muslim ang Jabidah Massacre na iniutos ng tatay ni Bongbong Marcos.

Sa nasabing massacre, ilang dosenang Muslim trainees ang pinapatay ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa isla Corregidor. Sila ay pinagbabaril at sinunog. Matapos ang patayan, dumating ang mga Presidential Choppers at kinuha ang mga bangkay, itinali sa bato, at itinapon sa Manila Bay.

Hindi man lang nagpakita sa Bangsamoro si Bongbong – Mujiv Hataman

Ang dating ARMM Governor at ngayo’y Basilan Representative na si Mujiv Hataman na mismo ang nagsabi na talagang malabo manalo si Bongbong Marcos sa Bangsamoro dahil hindi naman ito nagpakita noong kampanya.

Image result for mujiv hataman
Basilan Representative Mujiv Hataman

“This may be the reason Bongbong Marcos did not even campaign personally in some parts of Mindanao and ARMM, for this would require acknowledging their family’s crimes, especially those against the Bangsamoro people. All this is reflected in the votes we cast, and the choice we made in Vice President Leni Robredo,” paliwanag ni Hataman.

Ito ay taliwas sa ginawa ni VP Leni Robredo kung saan halos lahat ng parte ng Bangsamoro ay nabisita nito.

Ilang beses pa ba kailangang matalo ni Bongbong Marcos para maniwala sya na talagang talo sya?

#BantayNakaw