fbpx

Gusto i-solo: Cayetano, Tinanggihan ang Tulong ng Ibang Agencies Para sa SEA Games

Araw-araw nalang, may bagong lumalabas na isyu hinggil sa pag-host ng Pilipinas sa SEA Games.

Ayon sa mga sources, maraming ahensya ng gobyerno ang nagpaabot ng kanilang intensiyong tumulong para sa SEA Games simula 2018 pa lang. Ilan sa mga nagpahayag na gusto nila tumulong ay ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) and Department of Tourism (DOT).

Ngunit tinanggihan umano sila ni Cayetano dahil kaya naman daw ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) ang lahat ng trabaho.

“Matigas ang ulo, nagmayabang. Kaya daw nila (Cayetano-PHISGOC) mag-isa,” ayon sa source ng Politiko.

Dagdag pa nila, nag-offer din umano ang PTV 4 na magbroadcast ng mga events ng SEA Games pero tinanggihan ito ni Cayetano at ng kanyang dating PE teacher na si Ramon “Tats” Suzara.

Cayetano’s former PE teacher and current CEO of the Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC). (Photo courtesy: ABS-CBN News)

Noong malaman nila Cayetano na hindi pala ico-cover ng mga top networks ang karamihan sa mga events, saka sila nagkumahog na balikan ang PTV4.

Noong Lunes lang, November 25 o limang araw bago ang simula ng SEA Games saka humhingi ng tulong sila Cayetano sa PCOO at DOT.

Umpisa pa lang ang ilan sa mga events ng SEA Games nagkaloko-loko na. Paano pa kaya kapag sabay-sabay na ang mga events?

Mukhang marami pang sorpresa ang dadating.

Magbantay.