Manila, Philippines – “Trapo” “ka-PWErte” “hambog” at “Epal” Iyan ay ilan sa mga komento sa isang Facebook post kung saan makikita ang pamimigay ng face mask na may mga litrato nina LRay at Migs Villafuerte na kilalang mga dinastiyang politikal sa Camarines Sur.
Kasama rin dito ang bagitong anak ni Lray na umanoy papasok rin sa Pulitika na si Luigi Villafuerte na isang ngayong Provincial Administrator.
Umani ang nasabing post ng samu’t saring negatibong sentimento.
Marami dito ang nagsasabing puro lamang umano salita at ka-hambugan ang mga ito. Kitang-kita rin umano na puro post ito sa Social Media pero wala naman umano talagang natatanggap ang kanilang nasasakupan.
Dagdag pa rito talamak umano ang korupsyon sa lugar.
Dahil nag-viral ang post, napuna ito ni Cong. LRay Villafuerte at may pinatutsadahang BATA na tinawag ang mag-aamang oportunista.
Kitang-kita sa post ni LRay ang kanyang pagka-pikon at pinangalanan pa ang nasabing bata, saad niya na pati posters at kalendaryo ng pamilya ay maraming nanghihingi dahil umano appreciado ang kanilang programa ng mga taga-Camarines Sur na taliwas naman sa reaksyon ng kanilang nasasakupan.
Read More: https://bantaynakaw.com/kahit-walang-peace-talks-unliquidated-cash-advances-ng-oppa-umabot-sa-p53-milyon/
Dagdag pa niya na ang “kalaban” nga raw umano nila ay ni walang maibigay.
Dinamay rin ng Congressman ang pamilya ng bata, saad niya marami umano silang iskolar sa lugar na kaapilyedo ng bata at tanungin umano ang mga ito.
Kung maaalala rin isa si LRAY sa mga bumoto na ipasara ang pinakamalaking network sa bansa.