fbpx

Gordon, PH Red Cross, Kasali sa Kumubra sa PhilHealth IRM Funds – Whistleblower

MANILA, Philippines – Sa kanyang interview sa ANC, harapang ibinulgar ng dating PhilHealth Anti-Fraud Officer Attorney Thorrsson Keith na kasama sa mga kumubra sa PhilHealth funds ang Philippine Red Cross sa pangunguna ni Sen. Dick Gordon na kasalukuyang Chairman nito.

READ MORE: Nobody’s Perfect: Dick, Pinagtanggol si Duque. “Pasaway” na mga Pilipino, Sinisi.

Ayon kay Thorrsson, nagkaroon umano ng onerous deal ang Philippine Red Cross at PhilHealth “that have caused undue injury to the government”.

Dagdag pa ni Thorrsson, malaki ang posibilidad na ma-indict din si Dick dahil dito.

Nagkaroon umano ng kontrata ang PhilHealth at Philippine Red Cross na isa sa mga pinaglaanan ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM) funds ng PhilHealth.

READ MORE: PhilHealth, Mabilis Nakapagbayad ng P700-Million sa Red Cross ni Gordon. Bayad sa mga Ospital, Delayed Pa Rin.

“The money that was used came from PhilHealth. Philippine Red Cross is a non-profit organization and the chairman is a senator of the Republic of the Philippines. He is a government official. So he should know that making agreement with the government which creates undue injury to the government is punishable by law.” sabi ni Thorrsson.

READ MORE: Dick, Nagsarili. Naglabas ng PhilHealth Report Nang Hindi Pinakita sa Ibang Senador – Lacson

Ginamit bilang Capital Expenditures na maaaring pagkakitaan pa ng Philippine Red Cross

Binulgar din ni Thorrsson, base sa kanyang mga naresearch, ang binigay na pera ng PhilHealth sa PH Red Cross ay ginamit bilang capital expenditures. Ibig sabihin, binili ito ng mga equipment at iba pa na magiging parte ng properties ng PH Red Cross at maaari nilang pagkakitaan.

READ MORE: Dick, Nagsarili. Naglabas ng PhilHealth Report Nang Hindi Pinakita sa Ibang Senador – Lacson

Kahit binigyan ng pondo, sumisingil ng P4,000 kada test ang PH Red Cross

Isa sa mga posibleng binili ng PH Red Cross gamit ang nasabing pondo ay ang mga equipment for COVID testing. Ngunit hindi lahat ito free.

Ayon sa FB Page PH Red Cross sumisingil sila ng P4,000 kada test.

As of now, wala pang sagot si Dick ukol sa expose na ito.

Panoorin ang buong interview dito: