fbpx

Gobyerno, Pinapatigil ang mga Proyekto ni VP Leni Para sa mga Frontliners

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng Philippine Anti Corruption Commission (PACC) ang pamimigay ng Personnel Protective Equipment (PPEs), libreng sakay para sa mga frontliners at iba pang proyekto ng Office of the Vice President (OVP) para matulungan ang mga frontliners.

Ayon kay PACC Commissioner Manuelito Luna, hindi daw pwedeng gawin ito ni VP Leni Robredo sapagkat ito ay nagsisilbing “kumpetensiya” sa mga “ginagawa” ng Duterte Admin.

STAKEHOLDERS MEET ON GOOD GOVERNANCE | Pilipino Mirror
PACC Commissioner Manuelito Luna

Nanawagan si Luna sa National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan si VP Leni Robredo.

“Malaki ang Tulong na Naibigay ni VP Leni sa mga Frontliners…”

Matatandaan na ilang linggo nang nananawagan ng tulong ang mga frontliners sa national government dahil sa kawalan ng transportasyon papunta sa kanilang mga trabaho at matinding kakulangan ng PPEs.

Agad naman itong tinugunan ng Office of the Vice President.

Libreng Sakay Para sa Mga Frontliners

Nagbigay ng libreng shuttle service si VP Leni para sa mga frontliners na hirap makapunta sa kanilang mga trabaho dahil sa enhanced quarantine.

https://www.facebook.com/283945495056459/posts/2753086724808978/?d=n

PPEs para sa mga Health Workers

As of posting time, nakapagbigay na ng higit 30,000 na Personnel Protective Equipment si VP Leni sa iba’t-ibang ospital.

https://www.facebook.com/VPLeniRobredoPH/posts/2759190954198555
Image may contain: 1 person

Libreng Dorm para sa mga Health Workers

https://www.facebook.com/VPLeniRobredoPH/posts/2759367947514189

Nag-set up din ng mga libreng dormitories ang Office of the Vice President malapit sa mga ospital upang hindi na mahirapan sa byahe ang mga health workers.

Update

Matapos magbacklash dahil sa kaliwa’t-kanang batikos ng mga netizens, agad na nagissue ng statement ang PACC na personal na opinyon lamang daw ito ni Luna at hindi ng PACC.

Kagabi (April 3, 2020) sa televised address ni Pangulong Duterte, binalita nya na pinatalsik na nya umano si Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Manuelito Luna dahil sa pagtawag nya ng imbestigasyon laban sa mga pagtulong na ginagawa ni Vice President Leni Robredo.

READ MORE: Matapos Mabatikos: Duterte, Pinatalsik si PACC Commissioner Manuelito Luna



Comments

  1. Only an evil mind can think of preventing help to those in need !!!
    Such are the minds in the Duterte administration !!!
    There is nothing illegal in what VP Leni Robredo is doing !!!
    AFTER ALL, SHE IS THE VICE-PRESIDENT !!!

Comments are closed.