MANILA, Philippines – Isinusulong ngayon sa Kongreso ang pagpataw ng buwis ang mga pagkaing patok sa masang pinoy tulad ng fishball, kwek-kwek, banana cue, chicken skin, at iba pa.
Sa planong ito, magpapataw ng 10 hanggang 20 porsyentong buwis sa mga pagkaing ito.
READ MORE: 15 Anyos na Dalagita, Ginahasa ng 2 Pulis. Binaril Matapos Magreklamo.
Ligtas ang POGO
Sa kabila nito, niluwagan naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagbabayad ng buwis ng mga Philippine offshore gaming operators (POGOs).
Matatandaan na nagissue ng Revenue Memorandum Circular 46 and 64-2020 ang BIR noong May 2020 na nagsasaad ng mga conditions at documentary requirements para makapag-operate ang mga POGO.
Ngunit nagkaroon ng revisions sa nasabing memo.
READ MORE: Lazada, Netflix, Papatawan na ng Tax ng Duterte Admin. Mga POGO, Ligtas.
Hindi na sisingilin ang mga hindi nabayarang taxes ng POGO?
Ayon sa original memo, obligado ang mga POGO na magbayad ng tax arrears for “prior years”. Ibig sabihin, kailangan bayaran ng mga POGO ang lahat ng taxes na hindi nila binayaran sa ilang taong nagooperate sila.
Ngunit sa revised memo ng BIR, binura ang salitang “prior years”.
READ MORE: PANALO NA! Pilipinas, Number 1 sa Pinakamabilis na Pagkalat ng COVID sa Buong Western Pacific
Pati provision ng Final Withholding Tax ng mga Chinese Workers, tinanggal
Ayon sa naunang memo, sinasabi na bago makapag operate, dapat nakapagbayad na ang mga POGO sa gobyerno ng lahat ng taxes simula January hanggang April 2020 KASAMA ang 25% Final Withholding Tax (FWT) ng kanilang foreign employees na karamihan o halos lahat ay Chinese.
Ngunit sa revised memo, tinanggal nila ang probisyon na sumisingil sa 25% Final Withholding Tax (FWT) ng mga Chinese.