Bumuhos ang suporta para kay presidential candidate senator Bongbong Marcos mula nang maglabas ang kampo nito ng mga maling impormasyon upang pabanguhin ang kanyang pangalan at siraan naman ang katunggaling si Robredo.
Naglipana sa mga social media tulad ng Facebook, Twitter,Youtube at Tik Tok ang mga impormasyong walang katotohanan tungkol sa mga Marcos na siyang paraan ng pamilya upang makabalik sa Malacañang.
Isa sa mga kasinungalingan ng mga Marcos ay ang pagsasabing ang rehimen ni Ferdinand Marcos ay tinaguriang Golden Age of Peace and Prosperity na kung saan marami ang nagdusa at namatay dahil sa mga pang-aabuso ng militar.
Ayon sa pagsusuri ng Tsek.ph ,isang fact-checking organization sa bansa, nakapokus ang misinformation sa dalawang kandidato, kay Robredo at kay Marcos. Habang nagpapakasasa sa papuri at suportang natatanggap si Bongbong ay nagdurusa naman sa negatibong pagtingin ng mga tao si Robredo.
Napakalakas ng impluwensiya ng social media lalo na ng facebook na mayroong 74 million na Filipino users kung kaya’t ang fake news ay isang seryosong usapin na maaaring sumira o bumuo ng isang pagkatao.
Ayon naman sa isang Political Science professor na si Cleve Arguelles , mahirap na kalaban si Bongbong Marcos ‘pagkat anim na taon itong nagplano para sa kanyang pagtakbo sa pagka-pangulo ngayong eleksyon.
“It’s hard for the other campaigns to compete with the Marcos machinery online because this is six years in the making.They’ve really worked hard to dominate these spaces, and they’re reaping the benefits of investing early in troll armies and building online communities,” sabi ni Arguelles.
Nakikipagtulungan naman ang facebook at iba pang social media platforms upang i-take down ang mga post na naglalaman ng fake news lalo na’t nalalapit na ang halalan.