MANILA, Philippines — Sa isang talumpati nabanggit ni Duterte ang isa umanong solusyon sa mga nag aalinlangan pa rin hanggang ngayon sa pagpapabakuna laban sa nakamamatay na COVID-19
Inutusan ni Duterte na hanapin umano ang mga ito at akyatin pag tulog at bakunahan.
“‘Yan ang problema, ‘yung ayaw magpabakuna.” Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay niyo, akyatin natin ‘pag tulog at tusukin natin ang natutulog para makumpleto ‘yung storya,” Aniya
“Eh kung ayaw ‘di akyatin sa bahay, tusukin natin sa gabi. Ako ang mag-ano, I will lead the journey.” Dagdag pa niya
Saad naman ni Roque a may “police power” ang estado para bakunahan ang mga tao nang sapilitan kung kakailanganin.
Umalma naman dito ang ibat-ibang sektor saad nila hindi umano ito ethical. Hindi rin umano tama na turukan ng COVID-19 vaccines ang mga nagdadalawang-isip pa habang tulog.
Sa pagpapabakuna naman ng mga taong gising sa mga vaccination center, kailangan ng pirma nila at consent bago maturukan.
Marami naman umalma sa palpak na solusyon ng pangulo. malinaw na labag umano ito sa Batas.