Manila, Philippines – Tinawag ni Pangulong Duterte na “weak leader” at “spoiled child” si presidential aspirant Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr.
Aniya, hindi siya naninira ngunit hindi raw siya bilib kay Bong bong dahil mahina ito bilang siya ay spoiled at nag-iisang anak na lalaki ng diktador at dating pangulong Ferdinand Marcos.
Dagdag pa nito, “Of course, he can talk. He delivers English articulate. Nag-aral kasi kung saan-saan sa labas. Pero kung sabihin mo na may crisis, ganoon?”
Sabi pa ni Duterte ay hindi siya nagsasabi ng kasinungalingan at tila nagbanta pa na magkakamali ang Pilipinas kapag hindi nabantayan ang anak ng diktador.