fbpx

Duterte: “May Respeto sa Atin ang China.”

MANILA, Philippines – Sa interview ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Russian Government-controlled TV Network, sinabi nya na kaya malapit ang Pilipinas sa China at Russia ay dahil sila lang ang may respeto sa soberanya ng Pilipinas.

“Nothing except you respects our sovereignty.”

Agad naman itong umani ng reaksiyon sa mga Pilipinong netizens.

Batikos ng Kamag-anak

Kapansin-pansin din ang pagpuna ng kamag-anak mismo ng Pangulo na si Nuelle Duterte. Ayon kay Nuelle, may respeto ang China at Russia kay Duterte sa mga utos nitong pagpatay sa mga Pilipino.

Dagdag naman ni @SyLicoNgaAko, natural lang daw na hindi papansinin ng China at Russia ang mga ginagawang pagpapapatay ni Duterte kasi ganun din ang ginagawa nila sa sarili nilang mga tao.

Matatandaan na patuloy ang paggawa ng China ng mga illegal na istraktura sa West Philippine Sea na pag-aari ng Pilipinas. Patuloy din ang pagdagsa ng mga illegal na POGO at Chinese na ayon sa BIR ay hindi nagbabayad ng buwis.

Sa kabila nito, binigyan pa ng Administrasyong Duterte ang Chinese Company na nagtambak sa WPS ng ilang bilyong kontrata na babayaran ng buwis ng mga Pilipino.