MANILA, Philippines — Walang pondong nakalaan para sa relokasyon ng mga residente sa slum areas sa susunod na taon. Wala ding pondo sa mga pautang para sa pabahay ng mga nasa laylayan at mga displaced victims’ ng kalamidad. Pero may pondo sa intelligence fund ni Duterte.
Ayon sa National Housing Authority (NHA), naglaan lamang ang Gobyerno ng pondo para sa Manila Bay resettlement.
And pabahay ay isa sa pinaka kailangan ng bansa ngayon, ngunit makikita ngayong taon na sila ang may pinakamababang budget kumpara sa ibang mga depatamento.
Dahil dito desmayado ang ibang mga Senador dahil napakababang alokasyon sa proposed national budget para sa darating na taon (2021). Sa kabila umano ng 9.5 Intel Funds walang inilaan na Budget para sa Pabahay.
Saad ni Sen. Drilon, sa kabila umano ng ‘massive backlog sa pabahay’ P4 Billion lamang ang nakalaan sa NEP. Ipinakita niya ang Datos kung saan sa kasalukuyan ay mayroong 6.5 milion na housing backlog na maaari pang’lumobo sa 12 million sa taong 2033 or 22 million sa 2040.
Dagdag pa niya, “With that huge backlog, I do not see the logic why we need more confidential and intelligence funds than budget to give our people decent and safe homes,”
READ: https://www.philstar.com/headlines/2020/10/22/2051376/p39-billion-housing-budget-p96-billion-intelligence-fund-hit
Sinuportahan naman ng ilang pang mga Senador ang hakbang para sa mas malaking budget for settlement department.
Saad ng Senador sa ganitong panahon kailangang matugunan ang pangangailanga ng tao patungkol sa pabahay. Ito umano ang ‘first line’ of defense sa pandemya na ating kinahaharap.
“The disparity is glaring and it saddens us that the 2021 budget does not address the needs of hundreds of poor Filipino families who live along esteros in Metro Manila and various parts of the country, putting their lives at risk particularly during this time”
Nagkaroon ng consensus ang mga Senador sa naganap na hearing, na kailangan ng assistance ng housing sector patungkol sa napakababang budget na inallocate para sakanila.