Sa loob ng 14 na taon, naghirap ang bansa sa ilalim ng Martial law. Dito naitala ang iba’t ibang pang-aabuso,karahasan at pagkalubog ng bansa sa pagkakautang.Habang hindi pa man nakalilimot ang mga tao sa malagim na sinapit ng bansa, tila nauulit ang madilim na pangayayri sa pagtakbo ng anak ng dating diktador, Bongbong Marcos.
Bago pa man ang kampanya para sa halalan, batid na ang alyansang binuo ni Bongbong Marcos sa pangulong Rodrigo Duterte. Inungkat naman ng Novara Media ang madugong kampanya ni Duterte kontra droga at kung paanong mas naghirap pa ang mga bansa mula sa dating administrasyon.
Kilala si Duterte sa buong mundo bilang Killer President dahil sa bilang ng mga namatay sa kanyang kampanya kontra droga at iba pang paglabag sa karapatang pantao.
“The war on drugs is essentially a war on the poor,” sabi ni Cristina Palabay, secretary-general ng Karapatan, isang grupo ng human rights.
Ang kanyang maruming pananalita ay nagpapantig ng tainga ng iba’t ibang propesyunal, konserbatibo at pulitiko. Gayunpaman,nanatiling mataas ang popularidad ng presidente na may 80% trust rating.
Kung huhusgahan ang pamumuno ni Duterte, malaking parte ng pandemya ang nakaapekto sa kanya dahil sa mga kakulangan nitong matugunan ng tama at maayos na pamamahala ang krisis.
Sa pagtatambal ngayon ni Bongbong Marcos at Sara Duterte, malaking pangamba ang hatid nito sa bansa. Ang pagluluklok kay Bongbong ay pagbabalik muli ng buong pamilyang Marcos sa kapangyarihan maging ng mga tuta at galamay nito.
Sa kabila nito, mananatiling kalaban ng gobyerno ang CPP o pinakamalaking samahan ng mga komunista sa bansa kung magpapatuloy ang ganitong madugong paraan ng magwawaging pangulo.
“Duterte’s campaign against the patriotic, progressive and revolutionary forces has been brutal and bloody, marked by assassinations, extrajudicial killings, abductions, torture, unlawful arrests and prolonged detention,” sabi ni Valbuena, the CPP spokesperson.”
Ang pagbabalik ng Marcos sa pinakamataas na posisyon sa bansa ay hindi lamang paglapastangan sa mga biktima ng Martial law kundi ay malaking banta para sa hinaharap ng buong Pilipinas.