fbpx

Duterte: Kahit Masira o Mag-isa lang ako, “I will stand for Duque”

MANILA, Philippines — Sa dami ng anomalyang kinakaharap ng kalihim ng DOH na si Secretary Francisco Duque III, muli itong ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit umano ‘masira’ pa siya sa pagtatanggol dito o kahit hindi sumang-ayon ang buong Pilipinas sa desisyon niya.

President Duterte Planning To Fire DOH Secretary Duque?

“Maski mag-isa na lang ako, I will stand for Duque, even if it will bring me down,” saad niya.

Handa rin umano nitong akuin ang responsibilidad ng kalihim.

“Pag nasira ako, eh ‘di nasira — But I will never abandon a person just like that na aanuhin mo na walang kasalanan” dagdag pa niya.

Duterte refuses to fire Duque, claims no corruption in DOH

Ito ay sa kabila ng isinusulong na resoluyon ng mayorya ng mga senador na patalsikin ito dahil sa kapalpakan ng liderato nito, kapabyaan, kawalan ng foresight at inefficiency na magampanan ang mga tungkulin.

READ MORE: Risk Pay ng mga Pinoy Nurse, Hindi Priority ni Duque

Pinuna rin ng mg senador ang poor planning, hindi mabilang na naantalang pagtugon, kakulangan ng transparency, at misguided at flip-flopping policies o mga panukala sa pagtugon  sa COVID-19 na lalong naglagay sa alanganin sa buhay ng mga health care professionals, frontliners at ng mga Pilipino.

Philippine Health Officials Under Probe for Virus Response - Bloomberg

Magugunita rin na marami ang nanawagan na magbitiw na sa puwesto si Duque dahil sa inilabas na audit report ng Commission on Audit (COA) tungkol sa kuwestiyonableng pondo ng DOH.

Ngunit sa kaliwa’t-kanang issue na kinakaharap ng kalihim, muling iginiit ng Pangulo na hindi pa rin umano makatarungan na alisin sa pwesto si Duque lalo pa at wala naman itong nakikitang dahilan para sibakin ito.

READ MORE: Duque, Gusto na Sibakin sa Puwesto!