fbpx

Duterte Dawit sa Pharmally Deals

Senate panel cites Duterte's former adviser in contempt, arrest sought –  Manila Bulletin

MANILA, Philippines — Malakas ang paniniwala ni Sen. Richard Gordon na malaki ang papel ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng maanomalyang pagbili ng gobyerno ng PPEs noong nakaraang taon.

Kapansin-pansin umano na inililihis ng pangulo ang isyung ito sa masa sa pambabatikos nito sa nasabing imbestigasyon. Saad ni Sen. Gordon ‘di dapat umano papatininag sa mga patutsada ni Duterte lalo na’t bilyon-bilyong pera ng taong bayan ang nawaldas dito.

Kamakailan lang mapapansin ang walang tigil na patutsadahan ng ilang mga Senador at ng Pangulo patungkol sa isyu ng Pharmally deals.

Makikita rin na grabe ang pag depensa ng Pangulo sa mga taong sangkot sa nasabing korupsyon.

Lacson says pork-free national budget an 'impossible dream'

Malaking tanong rin kay Sen. Lacson, kung bakit kailangan harangin ng pangulo ang mga miyembro ng gabinete na sumipot sa senado. Aniya, kung maaalala ang istilong ito ay ginawa rin ng Dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo sa kasagsagan ng imbistigasyon sa ilalim ng kaniyang administrasyon.

Ani Lacson, “Akala ko magkatuwang kami ng executive branch sa paghahanap ng katotohanan? ‘yun din ang linya nila diba? Kailangan lumabas ang katotohnan at kung merong corruption pagtutulungan na labanan.” Dagdag pa niya “Pero ngayong iba iyong nakikita natin kase may mga lumalabas na isyu, may mga lumalabas na dokumento, testimonty na maliwanag may patutunguhan. E bakit mo naman ngayon paaawatin”

LIST: Tito Sotto's accomplishments, bills signed into law

Saad naman ni Sen. Sotto III, hindi umano pwedeng haranging ng Executive Department ang nasabing imbestigasyon.

Sa Biyernes, ipagpapatuloy muli ang pagdinig ng senado patungkol sa pharmally deal ng gobyerno.

ALSO READ: https://bantaynakaw.com/roque-nambastos-ng-mga-doctor-sa-iatf-meeting/