Manila, Philippines – Nagbigay ng detalyadong pahayag sa kanyang bagong affidavit na isinumite ang retiradong pulis at aminadong Davao Death Squad (DDS) hitman, Arturo Lascañas, sa International Criminal Court o ICC kung paano ang operasyon ng mga bihilanteng grupo na pumapatay ayon sa utos ng noon ng mayor pa lamang na si Duterte.
Nakalagay sa 186-pahinang affidavit kung paano gustong ipatupad din ni Duterte ang operasyson ng DDS sa buong Pilipinas noon siya ay maluluklok pa lamang sa pagkapangulo.
Idinetalye rin ni Lascañas ang “secret language” na ginagamit ng mga hitmen kapag may utos na ipapatay sina Duterte at ang kanyang senador at kandidato sa pagka-presidente na si Bong Go.
Nagtugma naman ang pahayag ni Lascañas sa mga ulat at testimonya ng mga insider, kapamilya, at kamag-anak ng mga hitmen at biktima.
Sinabi ni Lascañas sa kanyang salaysay na siya mismo ay direktang nakikipag-usap kay Duterte at Go tungkol sa kanilang mga “killing operations”. Siya rin ay responsable sa pagpatay ng mga kilalang personalidad na kalaban ni Duterte sa pulitika, mga kalaban ng mga businessmen na kaibigan ni Duterte, at maging mga kalabang ng kasamahan niya sa hitsquad.
Nakatatanggap naman sila ng pabuya na nagkakahalagang P3,000-P5,000 kada tao na kanilang mapapatay, na ani ni Lascañas ay pera mula sa city hall.
“Superman” ang code name ng mga hitmen para kay Duterte ayon kay Lascañas.