fbpx

Duque, Pinagtanggol ang China. Test Kits ng China, ‘Very Good’ Daw.

MANILA, Philippines – Matapos sabihin kahapon, March 28, 2020, ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 40% lang ang accuracy ng test kits mula China, tila nagbago ngayong araw ang ihip ng hangin mula DOH.

READ MORE: DAHIL HINDI NAG BAN NG CHINESE: South Korea President, Ipapa-Impeach

The Source: Maria Rosario Vergeire - YouTube
Ayon kay DOH Usec Maria Rosario Vergeire, 60% ng Test Kits mula China ay depektibo.

“Sa mga naunang pinadala samin na test kits from China, na nakapagpakita ng 40 percent accuracy, hindi po namin ito ginamit dahil nakita nga po na mababa po ang accuracy natin dito. Kaya ito na lang po ay atin itinago,”

– pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing kahapon.
TEST KITS. Thousands of aid packages donated by China are unloaded at the Villamor Air Base in Pasay City on March 21, 2020. The donation includes assorted medical supplies, personal protective equipment, and testing kits for coronavirus. Palace photo

READ MORE: 14 Billion ng COVID Budget, Inilaan ni Duterte sa “Turismo” Sa Kabila ng Lockdown

Mariing pagtanggi ng Chinese Embassy

Matapos ang pahayag na ito ng DOH, naglabas naman ng pahayag ang Chinese Embassy na hindi totoo ang nasabing balita.

Ayon sa Chinese Embassy, nagtext pa umano si Duque sa kanila upang magbigay ng assurance na walang problema ang mga test kits.

“Hi! There is nothing wrong with the Real Time-Polymerase Chain Reaction machine which is used for generating positive or negative result as the case may be!,”

“Again your Test Kits BGI and SANSURE BIOTECHNOLOGY are very good and up to the standards as those which were donated by WHO and approved by our RITM”

– Text message umano ni DOH Secretary Francisco Duque sa Chinese Ambassador ayon sa Chinese Embassy

Hindi RITM ang nagaapprove

Ngunit tila hindi yata alam ng Chinese Embassy na hindi ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang nagaapprove ng Test Kits kundi ang Food and Drug Administration (FDA)

READ MORE: Nasaan na ang mga Malasakit Centers?

Mabilis na ‘Clarification’ ng DOH

Parang kidlat naman sa bilis ang paglalabas ng “clarification” ng DOH ukol sa statement na ito.

READ MORE: PPE ISSUE: Cayetano, Tinawag na FAKE NEWS ang mga Health Workers

Reklamo ng Spain at Czech Republic sa Test Kits ng China

Ngunit hindi ito ang unang beses na may nagreklamo sa inacuracy ng test kits mula China.

READ MORE: Test Kits na Binenta ng China, Depektibo

Ayon sa news site na Expats.cz, bumili ang Czech Republic ng 150,000 portable test kits mula sa China. Dahil umano sa napakataas na error rate, hindi na nila ito patuloy na gagamitin at babalik na muli sa conventional laboratory tests na mas accurate.

READ MORE: Pamilya at Staff ni Bongbong Marcos, Nagpa-COVID Test sa Kabila ng Test Kits Shortage

Gumastos ng halos isang milyong dolyar (katumbas ng higit kumulang Php 50 million) ang Czech Republic para sa mga test kits na ito.

Sa Spain naman, napagalaman na halos 30% lang ang tumama na resulta ng nasabing test kits.

READ MORE: Mga Test Kits, Naubos Dahil sa “VIP Testing” ng mga Pulitiko at Pamilya Nila?