fbpx

Du30 Admin at DOH, Walang Mapagkasunduang Plano para sa 2021 Face-to-Face Classes!

MANILA, Philippines – Makikitang walang kaayusan ang pagpaplano ng gobyerno patungkol sa face-to-face classes sa susunod na taon.


Sa panayam sa Department of Health (DOH) hindi pa rin umano rekomendado ng nasabing departamento ang resumption ng face-to-face classes sa bansa dahil hindi pa natatapos ang laban kontra COVID. Dagdag pa nila, marami pang apektadong lugar sa bansa na mayroong matataas na bilang ng COVID-19 cases.

DOH: Face-to-face classes still a 'no' as COVID-19 infection remains |  Inquirer News


Sa naganap na briefing nitong Miyerkules, halos walang probinsya at highly urbanized cities at independent component cities ang zero cases sa loob ng 2 hanggang 4 na linggo maliban sa Batanes na nag-iisang lugar na walang positibong kaso.


Samantala, iba naman ang pahayang ng DepEd sa nasabing isyu. Para sa kanila, dapat umano muling magkaroon ng face-to-face classes sa lalong madaling panahon dahil pahirap anila ang distance learning para sa mga mag-aaral. Isinasaalang-alang din umano ng DepEd ang health protocols na dapat sundin kapag pinayagan ang limitadong face-to-face classes. Isa pa umano sa magandang dulot nito ay masusolusyonan ang kakulangan ng silid-aralan ngayon sa bansa.


“Puwede na siguro nating hatiin ‘yong mga klase later. Kalahati [ng mga estudyante], papasok M-W-F; kalahati nandoon sa bahay, manonood ng TV o kaya radyo o kaya may internet connection. ‘Yong kalahati, papasok T-Th-S,” ani ni DepEd USec. Alain Pascua.

Read More: https://bantaynakaw.com/panelo-nag-sorry-kay-vp-leni-galing-daw-kay-lorenzana-ang-fake-news/


Sinangayunan naman ito ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Duterte names ex-General Galvez 'chief implementer' vs. COVID-19


Sa isang panayam, sinabi niya na kailangang-kailangan umano ito sa bansa lalo na ang mga kursong pang medikal.


“Nakikita natin na talagang kailangang-kailangan natin ng health workers kaya ito po ‘yung face-to-face, maganda po na maibalik po ‘yun lalo na sa mga medical schools at medical courses para magkaroon tayo ng tinatawag na relief para sa mga health workers,” sabi ni Galvez.


“‘Yung ibang mga courses na nakikita natin lalong-lalo na ‘yung essential services ay pwede na rin po,” dagdag nito.

Makikitang wala pang established na plano ang gobyerno at wala konsulatasyong nagaganap sa panig ng ibat-ibang departamento patungkol dito.

Limited Face-To-Face Classes to Be Allowed in Low-Risk Areas | My Pope  Philippines


Ayon sa Malacañang, na kay Pangulong Duterte ang pasya kung matutuloy ang pagbabalik ng face-to-face classes sa Enero 2021.

Read More: https://bantaynakaw.com/vp-leni-pipiliting-tanggalin-nina-duterte-bago-mag-2022/