MANILA, Philippines — Hindi lamang umano iikot ang imbestigasyon ng ICC patungkol sa ‘war on drugs’ kay Pangulong Duterte. Pinaghahanda rin umano ang mga regional or local organs ng bansa na sangkot rito.
Ang mga opisyales umano ng Pangulo, ‘past or present’ ay pinaghahanda dahil nagsisimula na ang paghahalungkat ng ebidensya ng ICC Office of the Prosecutor para makapagsimula na silang mag request ng summon at warrants of arrest sa mga sangkot sa karumaldumal na pagpatay.
Sa anunsyo ng ICC pre trial chamber nitong nakaraang Miyerkules, nag awtorisa na umano ito ng imbestigasyon patungkol sa karumaldumal na patayang naganap sa bansa. Hindi lang raw’ umano iikot ang imbestegasyon sa ‘war on drugs’ ni Duterte bilang pangulo, ngunit iimbestigahan rin umano ang madugong labang kontra droga, nuong nakaluklok pa ito sa pwesto bilang mayor sa Davao na sangkot ang sinasabing Davao Death Squad.
Kung maaalala, Nagbigay na ng Green Signal ang Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court (ICC) patungkol sa gagawing imbestigasyon sa crimes against humanity cases ng isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
ALSO READ: https://bantaynakaw.com/wp-admin/post.php?post=2062&action=edit