DRUG REPORT: Wala Pang 1% ng Drug Supply ang Nahuli ng Gobyerno

DRUG REPORT: Wala Pang 1% ng Drug Supply ang Nahuli ng Gobyerno

MANILA – Iniulat na sa taumbayan ni VP Leni Robredo ang kanyang mga findings sa kanyang pag upo bilang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) Co-Chair.

For the first time, naipakita na sa taumbayan ang mga totoong datos ng Drug War na hindi inilalabas ng Gobyerno.

Isa sa mga nakakagalit ay higit pa sa tatlong-libong kilo ng shabu ang umiikot kada linggo. Ngunit ang nahuhuli lang ng Gobyerno ay halos wala pang 1% ng supply.

Ayon kay VP Leni, kung exam pa ito, ang score na nakuha ng Gobyerno matapos ang higit sa tatlong taong Drug War ay 1/100.

“Sa dami ng pinatay, halos wala pang 1% ang nahuhuli ng Gobyerno?”

“Kahit araw-araw pang patayin ang mga small-time pushers at users, walang mangyayari kung hindi pipigilan ng Gobyerno ang pagpasok ng mga supplies ng Droga.” dagdag pa ni VP Leni.