fbpx

Kahit Pinasara ng FDA Noong 2015: Pharma Company nila Duque, Sumahod ng mga Kontrata sa Duterte Admin

MANILA, Philippines – Kumita ng milyones ang pharmaceutical company na pagmamay-ari ng pamilya ni Health Secretary Francisco Duque III mula sa iba’t-ibang kontrata sa Department of Health (DOH).

Ito ang ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson matapos syang makakuha ng mga dokumento na nagpapatunay na kahit appointed na ni Duterte si Duque as DOH Secretary, may kontrata pa din ang Doctor’s Pharmaceuticals, Inc. (DPI) sa DOH.

“I trust Duque.” Sagot ng Pangulong Duterte matapos lumabas ang mga anomalyang kinasasangkutan umano ni Duque.

Ang DPI ay pagmamay-ari ng pamilya Duque. Ang kasalukuyang Chairman ay ang kapatid nyang si Cesar Duque at ang presidente ay ang kapatid nyang babae na si Luz Duque-Hammershaimb.

READ MORE: “Palpak na Duque”, Pinagreresign na ng mga Senador

P200,000 na naging P5 million pesos

Isa sa mga halimbawa na ibinulgar ni Lacson ay ang pagrerelease umano ng PhilHealth ng 5 milyong piso para bayaran ang medical services na ang halaga sa mga pribadong ospital ay P200,000 lang. Si Duque ang nakaupong Chairman ng PhilHealth noong mga panahong iyon.

READ MORE: Duque, Pinagtanggol ang China. Test Kits ng China, ‘Very Good’ Daw.

Ghost Dialysis at si “Ninong Duque”

Ibinulgar pa ang umano’y napakaraming dialysis treatment na nakacharged sa PhilHealth fund. Ngunit ito umano ay mga ghost dialysis base sa investigative report ng Inquirer. Karamihan umano sa mga dialusis patients na binabayaran ng PhilHealth ay mga patay na umano.

Ang kumpanyang kasapakat? Ang WellMed Dialysis Center. Isa sa may-ari nito ay si Bryan Christopher Sy. At ninong nya si Francisco Duque III.

READ MORE: Gobyerno, Iniipit ang Med Supplies Donations na Hindi Pinadaan sa Kanila. Tambak Ngayon sa Customs – Locsin

Ang Pagpapasara ng FDA sa Manufacturing nila Duque

Ayon sa documento mula sa Philipine International Trading Corp. (PITC) na inilabas ng Inquirer, nagbenta umano ang firm nila Duque ng higit 920,000 capsules ng amoxicillin na nagkakahalaga ng 23.5 million pesos.

Ngunit nang inspeksiyunin ang planta ng kumpanya nila Duque ng Food and Drug Authority (FDA), nakita sa findings nito na “nonfonformant” o hindi nakapasa ang drug company nila Duque sa pharmaceutical inspectorate scheme-good manufacturing practice.

Ito ang dahilang kaya naglabas ng order ang FDA upang ipasara ang manufacturing ng drug company nila Duque noong June 23, 2015.

Basahin ang nasabing order ng FDA: https://ww2.fda.gov.ph/index.php/advisories-2/pharmaceutical-2/257457-fda-advisory-no-2015-046-recall-of-all-drug-products-manufactured-by-doctors-pharmaceuticals-inc-from-march-2014-up-to-the-present

Naglabas din ng babala ang FDA na huwag bumili sa drug company nila Duque ng anumang gamot.

Happy Happy Ulit sa Administrasyon ni Duterte

Ngunit nagbago ang ihip ng hangin nang maging Pangulo si Duterte.

Noong April 12, 2017, nanalo ang drug company nila Duque ng kontrata mula sa DOH worth 3.7 million. Ang gamot na bibilhin ng DOH? Amoxicillin ulit!

Matapos ang eksaktong isang linggo, nanalo na naman ng kontrata ang drug company nila Duque worth 3.8 million pesos para sa 235,000 bottles ng amoxicillin syrup at 34,000 bottles ng amoxicillin drops.

READ MORE: Gobyerno, Iniipit ang Med Supplies Donations na Hindi Pinadaan sa Kanila. Tambak Ngayon sa Customs – Locsin

Pagtatanggol ni Duterte Kay Duque

Sa kabila ng napakaraming ebidensya na lumalabas, patuloy namang pinagtatanggol ni Pangulong Duterte si Duque.

Ayon sa kanyang pahayag noong June 23, 2020, sinabi ni Duterte na patuloy syang naniniwala sa integrity ni Duque.

Sinabi din nya na sinisiguro nya na malalagpasan ni Duque ang imbestigasyon ng Ombudsman.

READ MORE: Palit Oligarchs? Duterte, Gustong Mas Payamanin ang mga Kaibigan