fbpx

Dolomite Sand sa Manila Bay, Overpriced!

MANILA, Philippines – Mukhang mas mababaon pa ang mga opisyales ng DENR matapos malaman na tila overpriced ang ginamit na crushed Dolomite na kasalukuyang tinatambak sa Manila Bay para umano mas gumanda ang itsura.

READ MORE: “Wala na Tayong Pera.” Duterte, Babayaran ng Bilyon ang Blacklisted Chinese Firm Upang Gawin ang Sangley Airport.

Ang naturang proyekto ay magtatabon ng Dolomite sand sa kalahating kilometrong kahabaan ng Manila Bay. Ang kabuuang presyo ay tumataginting na P397.897 milyon o lumalabas na gumastos ang Gobyerno ng P795,000 per metric ton.

Ngunit ang kasalukuyang pinakamahal na market price ng Dolomite ay P470,000 per metric ton lamang.

Lumalabas na napakalaki ng pinatong sa totoong presyo ng Dolomite.

READ MORE: PH Red Cross, Sumisingil ng P4,000 Kada COVID Test Kahit Binabayaran ng PhilHealth

Hindi din magtatagal

Ayon din sa mga eksperto, hindi magtatagal ang Dolomite sand sa Manila Bay dahil sa erosion at mga bagyo. Nakaambang kainin lang ng dagat. At dahil sa mercury content nito, maaari pang mas masira nito ang natitirang marine ecosystem ng Manila Bay.

READ MORE: Gordon, PH Red Cross, Kasali sa Kumubra sa PhilHealth IRM Funds – Whistleblower