Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hinawakan ng dati niyang kumpanya ang kaso kaugnay ng estate taxes ni Ferdinand Marcos ngunit hindi niya masabi kung nagpataw ba ang gobyerno ng kaukulang kabayaran sa buwis.
“Yes, I remember that, at one time, our law firm represented the Marcoses in a tax case in the early 1990s,” sagot ni Guevarra sa mga reporter.
Ang mga law firm o kumpanya na tinutukoy ni Guevarra ay ang De Borja, Medialdea, Ata, Bello, Guevarra at Serapio Law Office.
Ayon din sa secretary, isang kamag-anak ang humawak ng kaso ng estate taxes ng mga Marcos at iyon ay si Atty. Louise Araneta-Marcos kung kaya’t hindi malinaw kung nagsumite nga ba ang BIR ng tax assessment o hindi.
Binigyang paglilinaw naman ito ng BIR matapos na kwestyunin ng isang katunggali ni Bongbong Marcos sa pagka-pangulo ngayong eleksyon.
Noong huwebes, iginiit ng spokeserson ni Bongbong Marcos na si Victor Rodriguez na nagpataw ang pamahalaan ng 30 ari-arian bilang kabayaran sa estate taxes ng mga Marcos noong 1990 salungat sa paratang ng dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na convicted ‘di umano ang kandidato sa tax evasion case.