Discriminatory? Village na Hindi Nagpapasok ng Illegal Chinese, Kakasuhan ng Kongreso.

Discriminatory? Village na Hindi Nagpapasok ng Illegal Chinese, Kakasuhan ng Kongreso.
Nat'l Tripartite Council to set stricter rules for foreign workers'  employment permits | GMA News Online

MANILA, Philippines— Kamakailang lang pinatawan ng temporary ban ng Ayala Alabang Village ang mga Mainland Chinese tenant dahil sa lantarang at sunod sunod na paglabag nito sa mga panuntunan ng lugar.

Sinuspinde rin ng Ayala Alabang Village Association (AAVA) board of governors ang renewal ng existing permits for households ng mga Chinese tenants.

Saad ng AVVA, sunod-sunod umano ang paglabag ng mga tsino sa community quarantine protocols,  traffic and curfew rules at marami pang reklamo patungkol sa araw-araw na inuman dito na nakakabulabog na ng mga homeowners sa nasabing lugar.

house for sale in magallanes village makati – Office: (02) 957 0029 /  Mobile +639178645000

Katulad rin ng reklamo ng Ayala Alabang Village, sakit rin sa ulo ng Magallanes Village sa Makati ang mga ito.

Ani ng Magallanes Villages, malinaw sakanilang panuntunan na ang mga bahay sa nasabing lugar ay maaari lamang okupahin ng isang pamilya. Isa pang paglabag ng mga ito ay ginagawa umano ang isa pang rented house na commissary para sa mga tsino. Kapansin-pansin rin umano ang 24/7 activities na ginagawa ng mga tsino rito at hindi mabilang na dami ng sasaktan ng mga ito ang labas pasok sa lugar. Nahuli pa umano ang mga ito na nagtatago sa isang Van papasok sa Magallanes Village.

POGOs are not BPOs, business group tells Palace - Planet Philippines UK

Ang masaklap pa umano rito, wala itong maipakitang mga legal na dokumento o kahit valid work permit.

Dagdag pa ng Magallanes Village, may nangyari umanong insidente na hindi nila pinapasok ang mga ito dahil sa walang maipakitang pruweba na nakatira sila sa lugar wala rin ang mga ito sa listahan ng mga residente.

Ngunit matapos ang nasabing insidente, pinadalhan umano ang ilang mga village officials ng subpoenas galing sa national law enforcement agency. Sa nasabing araw laking pagtataka ng mga ito na ang dadaluhan umano nila ay Congressional committee hearing “in aid of legislation on the alleged discriminatory conduct of homeowners associations toward foreign nationals residing in subdivisions.”

Ilegal na POGO operation, isinara sa Las Piñas; 265 Chinese timbog |  ABS-CBN News

Hindi umano maikakaila ang kaliwa’t kanang pagdami ng mga reklamo sa iba’t-ibang exclusive committees na tinitirahan ng daan-daang mga Chinese nationals na pawang nagtatrabaho sa mga POGO.