MANILA, Philippines – TRAVEL BAN KUNO. Ito ang lumalabas na scenario sa travel ban na ginawa ng Duterte Admin sapagkat sa kabila nito, patuloy ang pasok ng mga Chinese mula sa mainland China, Hong Kong at Macau.
Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB), hindi apektado ng “travel ban” ang direct flights galing China. Ang apektado lang umano ay ang mga pasahero na galing sa mga “apektadong lugar” ng nCoV.
Ngunit tila hindi yata nila alam na lahat ng probinsya ng China ay apektado na ng nCoV ayon sa report ng Business Insider.
“The virus has spread to every province and region in China.”
Business Insider
Walang tigil na direct flights galing China
Sa kabila nito, patuloy pa din ang pagpapapasok nila ng direct flights galing China.
Ayon kay Annabelle Yumang, DOH Regional Director ng Southern Mindanao, ang tanging may mandatory 14-day quarantine lang ay ang mga nagpakita ng sintomas pagdating sa airport.
No Symptoms, No Quarantine
Isa itong malaking kabulastugan sapagkat ayon sa Center for Disease Control and Prevention, ang nCoV ay may 2-14 days incubation period.
Ibig sabihin, posible na dumating sa bansa ang isang infected Chinese na walang sintomas. Makakalibot at makakahawa pa sya sa loob ng 14 days bago malaman na sya ay may nCoV.
Sa puntong ito, huli na ang lahat. Hindi na malalaman kung ilan at sino ang kanyang mga nahawaan.
Ito ang nangyari sa kaso ng unang kaso ng nCoV sa bansa.
Pasyal muna bago quarantine
Dumating ang isang 38-year old na babaeng Chinese mula Wuhan noong January 21, 2020 via Hong Kong ayon sa DOH report.
Nakapaglibot pa umano sa Cebu, Dumaguete at Maynila ang nasabing Chinese bago lumabas ang mga sintomas. Ipinasok sya at ang kanyang kasamang lalaki sa San Lazaro Hospital.
Ang lalaking kasama ng babaeng ito ang unang nCoV-related death sa Pilipinas at sa buong mundo sa labas ng China.