MANILA, Philippines – Tila dumarami na ang nanawagan kay Vice President Leni Robredo na tuluyan nang lisanin ang mga Dilawan.
Ito ay matapos patuloy na hindi pinapakinggan ng mga dilawan stalwarts ang kanyang panawagan ng pagkakaisa.
Pabebe?
Umani ng batikos si VP Leni mula mismo sa kanyang mga kaalyado dahil sa patuloy nyang pagtanggi sa gusto nilang maagang pagdeklara ng pagtakbo bilang pangulo. Ayon kay VP Leni, dapat unahin muna ang trabaho lalo na ngayong pandemya kesa sa pamumulitika.
Dahil dito, tinawag syang pabebe at pakipot ng ilan sa kanyang mga kaalyado.
Ngunit kung titingnan ang opinyon ng mga political strategists, masyadong pang maaga para magdeklara ang sino man. Tulad na lamang ni former VP Jejomar Binay na napakaagang nagdeklara ng kanyang pagtakbo bilang pagka-Pangulo. Tingnan na lamang ang nangyari sa kanya. Mukhang susunod sa yapak nya si Pacquiao.
Magagandang Proyektong Nakukulayan
Hindi din lingid sa kaalaman ng lahat ang mga magaganda at epektibong programa ni VP Leni lalo na ngayong pandemya. Ngunit tila nababawasan ang acceptance dahil sa hindi maalis na kulay dilaw.
The Dilawan Problem
Ayon na din sa mga political observers, klarong-klaro ang dahilan kung bakit humina at patuloy na natatalo ang dilawan brand.
“Detached sila sa mga ordinaryong Pilipino.”
“Sila lang ang magaling.”
“Grabe maka husga.”
“Kapag hindi ka nila kasama, bobo ka agad.”
Ilan lamang yan sa mga komentaryo ukol sa mga dilawan. At take note, galing yan sa mga anti-Duterte na mga Pilipino ngunit disappointed sa naging treatment sa kanila ng mga dilawan.
Unity Call
Nang manawagan si VP Leni ng pagkakaisa para sa mga Pilipinong watak-watak, tila hindi naging maganda ang reception ng ilang dilawan.
Matatandaan na ilan sa mga dilawan mismo ang bumatikos kay VP Leni matapos nyang sabihin na “hindi lang tayo ang magaling” at dapat alamin at pakinggan din natin bakit may mga tao na patuloy na sumusuporta sa Pangulo.
Hindi mo kailangan maging isang political strategist para malaman at maramdaman na imposibleng manalo ang kahit sino laban sa makinarya ng mga Duterte kung hindi magkakaroon ng isang solid opposition.
Ngunit paano magkakaroon ng solid opposition? Kailangan makipag alyansa sa iba’t-ibang partido at indibidwal laban sa mga Duterte.
At tila hindi ito kayang masikmura ng mga dalisay na dilawan na dalawang eleksyon nang natatalo.
Hindi lahat. Pero marami.
Kaya ang tanong, dapat na bang umalis sa dilawan si VP Leni?
Abangan.