MANILA, Philippines – Nanalo sa bidding ng Commission on Elections ang kumpanya ni Dennis Uy upang magsupply ng “crucial election services”.
Ayon sa dokumento na lumabas, nanalo sa bidding ang F2 Logistics para sa P1.61-bilyong kontrata upang magsupply ng election equipment, supplies pati na ng warehousing.
Ang F2 Logistics ay pag-aari ni Dennis Uy na kilalang crony ni Pangulong Duterte.
Ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) report, pang-apat sa pinakamalaking campaign donor ni Duterte si Dennis Uy noong 2016 elections.
Dapat na ituring na “red flag” ang ginawang ito ng COMELEC dahil napakadaling magkaroon ng dayaan kung crony mismo ng administrasyon ang hahawak ng karamihan sa mga election equipment and services na itinalagang “crucial” at “sensitibo”.
Pati mga warehousing ng mga election machines at paraphernalia ay si Dennis Uy na ang mag kontrol.
Matatandaan din na simula nang manalo si Duterte, ang dati’y maliit na negosyanteng taga-Davao ay biglang namili at sunod-sunod na nagtake-over ng napakaraming kumpanya.
Ayon din sa mga dokumentong nakalap, napakalaki ng ipinautang ng mga bangko ng gobyerno sa mga kumpanya ni Dennis Uy kahit wala halos collaterals.